Saturday, February 10, 2007

Ms. Mauritius: Bakit mahalaga ang mga bestfriend sa buhay natin?

5th Grade. Vessel of Devotion. OLOPSC. Dito nag-umpisa ang lahat. Pero noong mga panahon na ito, wala akong maalalang mga sandali na kasama ko sya, o kahit anong tungkol sa kanya, maliban dun sa pagtukso sa kanya bilang si "Ms. Mauritius".

4th year high school. Dito man lang ay may naalala akong mga sandali na kasama ko sya. Yung mga sandaling andun sila sa likod namin ni Carren. Magkatabi sila ni Rodel sa likod namin ni "Dear". Sa mga panahon pa lang siguro na yun, o nung mga nauna pang taon, alam na nya marahil ang intensyon ko dun sa "katabi" ko.

Napasok kami sa parehong college. Mapua. Nagkataon, pareho pa ng kurso. Nung una, sabay kami pumapasok. Unang araw ng klase. Walang kakilala. Ayaw ko sa grupo ko kasi maraming mukhang barumbado. Pinuntahan ko ang klase nya. Ipinakilala sa mga kaibigan nya dun. Pinakilala nya agad ang aking "kambal". Ako naman eh pasimpleng sumesenyas na ipakilala ako dun sa isa nya pang "ka-block". Maganda kasi. Pero may Carren na nga pala ako, so hindi rin natuloy.

Carren. Yan ang pangalang lagi kong bukambibig sa kanya. Paulit-ulit. Nakakasawa. Kung 100 pesos siguro ang presyo ng bawat Carren na sabihin ko, eh pwede ko nang mabayaran ang utang ng Pinas. Natutuwa naman ako dahil lagi syang available para kwentuhan, kahit na paulit-ulit at nakakasawa. Lagi ko syang bibiruin na ireto ako sa kanyang "pretty chinita friend". Pero lagi nyang akong aasarin na, "Teka, nai-record ko nga pala yung sinabi mo. Maipadala na nga kay Dear."

August 21. 2002. (Naks, tandang tanda pa eh!). Muntik nang sumabog ang puso ko. Ultimate depression kung tawagin ko. Hindi ako maiyak. Hindi ako nagugutom. Hindi ako inaantok. At hindi rin ako buhay noong mga panaho na iyon. Kailangan ko ng kausap. Kailangan ko ng masusumbungan. Kailangan ko ang kaibigan ko.

Tapunan ng kwento. Tapunan ng kadramahan. Siguro parang naging ganyan ang trato ko sa kanya. Lahat ng hindi ko masabi sa kahit sino, kahit kanino, sa kanya ko lang nasasabi. Kahit password ko sa lahat ng accounts ko, hindi ko yun kayang sabihin sa kahit kanino, sa kanya lang. Dito ko na-realize kung gaano sya kahalaga sa buhay ko. Dito ko na-realize, na may bestfriend pala ako.

May tampo moments. Walang pansinan. Masakit. Hindi ako makatagal na galit sya. Hindi madali. Kadalasan naman ako ang may kasalanan (actually, ako LAGI ang may kasalanan), kaya humihingi agad ako ng paumanhin, sabay sabi ng "libre na lang kita!".

May happy moments. Pag sabay kami naglalakad or something, at may dumaang cute, pretty, sexy, o basta malakas ang dating na girl, sa akin titingin yan, dahil alam nya kung saan ako nakatingin: sa kanya. Dahil alam nya na nasulyapan ko na yung girl at ayokong pa obvious na tumitingin.

Depression moments. Pag normal depression, tumatakaw ako. Mas matakaw sa normal. Kaya ko sigurong umubos ng isang bucket ng manok sa KFC. Andun sya, isinasama ko. Sumbungan ulit. Bilang bayad sa pakikinig, nililibre ko na lang ng food.

Pagpapapayat. Pustahan lagi. Isang coffee jelly. Lagi akong talo. Wala naman kasi sa isip ko ang magpapayat. Pero ayun, nililibre ko pa rin sya. Parang wala lang, kasi gusto ko lang talagang ilibre sya. Asaran sa pagkain. Apat na cups of rice ako kay manang. "Half" cup of rice naman ang sa kanya...half dozen...

Hindi lang ako ang may love life. Siya rin. Ngayon ako naman ang nakikinig. Ngayon ako naman yung dapat eh walang sawang makikinig at magbibigay ng payo. Ako naman ang walang sawang gagawa ng paraan para lang maihatid, makasama sa party, sa outing, sa kung ano ano, etc. Yung una, wrong choice. Next event, masakit. Pero naging happy ending naman ang sakit na ito. Ayokong i-elaborate dahil ayaw nya rin naman i-elaborate ko ang tungkol dito. Basta ang alam ko, she found the guy: not the minimum, not the maximum, but the optimum guy. (OK ba yung quote ko, Ian?)

Nagkaroon din naman ako ng girlfriend, sa wakas. Nung panahong ito, medyo napapalayo ako sa kanya. Dumating pa nga ang panahon na, sobrang nakasakit ako, nang hindi ko namamalayan. May pagkakamali ako, at nagsisisi ako dun. Kahit papaano, tinanggap pa rin nya ako ulit. Kahit papaano, naibalik ang dating samahan.

Sya ang bantay ko sa girls. Sa mga babaeng minahal ko dati. Sa mga babaeng minamahal ko na. Sa mga babaeng gusto kong mahalin. Kilatis yan lahat. Sinasabi nya kung ok yung babae o hindi. At pag sinabi nyang hindi, hindi talaga. Dahil sya, kagaya ng nanay ko, eh halos laging tama sa mga predictions nila.

At ang pinaka hindi ko makakalimutang bagay na ginawa nya, noong 2003. Birthday ko. (Nasa isa kong entry yun. Under ng 2003.)Sya ang may pakana noon. Well, isa sya sa mga may pakana. Yun na siguro ang pinaka masaya kong birthday.Bakit nga ba ako napasulat ng ganito? Kaarawan nya. Edad bente-tres. 23. Dalawampu't tatlo. Nijuusan. Isinulat ko ito upang ipaalam sa kanya na sya pa rin ang itinuturing kong bestfriend magpahanggang ngayon. Kahit na nasa ibang bansa ka. Kahit na nagkakalabuan yung pag-uusap natin. Kahit na super jerk ako. Kahit na parang lagi akong busy. Kahit na kadalasan eh wala akong kwentang kaibigan. Ang entry na ito ay para sa iyo, Bekah...Maligayang kaarawan, bespren!

Uwi ka na. Marami akong gustong i-kwento. Marami akong gustong isumbong. Nahihirapan ako pag wala ka...nahihirapan akong ubusin yung isang bucket ng manok sa KFC pag wala ka...

Edit: Umaapila bespren ko. Bakit ko raw pinapalabas na sya lagi nililibre ko? Yeah, during those times na gutom na gutom ako at wala akong dalang pera, binibigyan nya ako ng pang kain ng footlong o ng kwek-kwek man lang. Ganyan yan kabait! Oha! (Ok na Beks, ha?)