Sunday, July 16, 2006

Bakit may mga taong tumutuloy sa summer outing kahit na signal number 2 sa pupuntahan nila?

Signal number 2 sa Nasugbu, Batangas...

Bagamat hindi signal number 2 dito sa Manila, mayroon pa ring malakas na ulan...

Pero parang walang balak umatras ang matatapang na empleyado ng Department of Foreign Affairs - Overseas Absentee Voting Secretariat. Tuloy ang outing!!! Yan ang sigaw. Walang signal signal number 2. Nag segway muna ako sa opisina namin sa PHILPIMS INC.

Geno: Kuya, i para mo naman ako ng taxi. May kukunin lang ako sa taas...
Guard: Eh boss, andyan si Sir Klink sa taas!
Geno: Anoooo??!!
Guard: Oo, ka-meeting si...
Geno: Sige kuya alis na ako!!!

Dumating ako sa DFA mga 12:15 ng tanghali. Malakas pa rin ang ulan sa Maynila. Ngunit tanaw na tanaw ko na ang bus, tanda na tuloy nga ang outing. Wala akong nagawa kundi sabihing, "Oh well, Batangas. here we come!"

Dahil excited ako sa outing, hindi ako nakatulog agad nung madaling araw. Matapos ang aking "midnight routine" na pag-cha-chat, hindi pa rin ako nakatulog agad. Excitement ako! Oh yes, I'm excitement! (...sa mga hindi nakakaintindi...bahala kayo sa buhay nyo...) Alas tres na nung makatulog ako, at alas nueve naman nung magising. May anim na oras lang akong tulog. Sa madaling salita, nakatulog ako sa byahe. Hehehe.

Eto na. Nagising ako sa isang stop over sa may Tagaytay. Ang lakas pa rin ng ulan! Nakayuko na ang mga puno ng niyog sa sobrang lakas ng hangin! Pero dahil optimistic ako, inisip ko na aaraw din yan pagdating namin sa Batangas. Pero tila nauubos yung optimism ko sa mga nakikita ko sa daan. Mahamog. Di ko alam kung hamog o ulap. Sa sobrang kapal, hindi ko alam kung saan kami pupulutin pag nahulog sa bangin yung bus. Maya't maya ay may "stop over" kami dahil sa mga nakaharang na sanga na sing laki ng isang kotse! Pero optimist ako. Sa Tagaytay lang yan! Sa Batangas, hindi na! Pero unti unti na namang nabawasan sa mga nakita ko ulit. Mga sanga. Nabiyak na puno. Nilipad na bubong. Mga nagkalat na dahon. Ayoko na. Parang gusto ko nang bumalik sa Maynila. Ang dami kong iniisip. Sana nagpaiwan lang ako. Nakapag chat pa sana ako sa gabi. Nandito sana ako ng umaga ng Mother's Day. Nagpapahinga na lang sana ako. Paano na ako? Makakauwi pa ba ako? Grabe! Tuluyan nang nawala ang optimism ko. Pero mahal ako ni GOD. Nakarating kami sa Batangas na buo pa ang katawan. Pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang possibility ng tsunami. Scarrryyyyy!!!

Kala ko kami lang ang mga gagong nagbabalak mag set ng record na mag swimming kasabay si "Caloy". Buti na lang marami ring gago na katulad namin. Fans club yata ni "Caloy".

Masarap mag swimming nang may bagyo:
Una: Walang araw. Walang sunburn. Pang Geno talaga ang setting.
Pangalawa: Malakas ang alon! The best!
Pangatlo: I love the wind, and I love the rain! At hindi ko na kailangan mag payong o mag-raincoat nang dahil lang sa "...baka mabasa ako...".

Hindi na kami nag beach nung hapon. Sa halip ay nag handa na lang ng makakain. Pagkakain, pahinga lang ng konti, sabay sawsaw sa pool. Gago rin yung driver ng OAVS dun. Sa totoo lang, ayaw ko dun. Kupal kasi. Nakakagago ba nung sinabi nyang, "Geno, hindi ka ba marunong lumangoy na nakataas ang ulo?" Gusto kong sabihing. "GAGO!!!" Pero nakapag pigil ako. Sabi ko lang, hindi yun ang tamang paraan ng paglangoy. Sa totoo lang, madali lang yung nakaangat ang ulo. Pero t*ngina namaaaan! Sabihin daw ba sa akin na mali yung paraan ko ng paglangoy nang dahil lang sa, "...nakakabangga ako?" Sabagay, mali yung paglangoy ko dahil hindi talaga pantay. Hirap talaga ako lumangoy ng pantay unless may goggles. Wala akong goggles kaya hindi ko kaya. Pero para sabihin TAMA DAW YUNG PARAAN NYA NG PAGLANGOY, EH PUT*NGIN*!!! Para saan pa ang principle na, "Swimming is good for the lungs." kung hindi lulublob ang ulo mo. Kaya nga inaasar ng tatay ko yang langoy na yan. Yan yung "Langoy Pogi". Isipin mo ito. Mag gel ka. Sabay swimming. Subukan mong tawirin yung pool gamit ang stroke na ito. Hindi magugulo ang buhok mo. At hindi masisira ang gel. Promise. Lalo na pag na perfect mo ang stroke na ito. Kagaya ng kupal na driver na yun. Sya lang, SYA LANG, sa talambuhay ko ng paglangoy, ang nagsabing MAS TAMA yung stroke nya kesa sa freestyle breathing...

Kinabukasan, nag beach na kami, sa wakas! Bangag pa ako dahil sa gabing inuman. Sa labas ako actually ng cottage natulog. Masarap ang simoy ng hangin. Malamig. Pahamak lang ang mga langaw at pinapakyaw ang mga pata...este...legs ko. Sinubukan naming mag beach. Grabe! Ang linis! (Sarcasm Alert! Sarcasm Alert!) Mas malinis pa yung sidewalk dito sa Marikina kumpara sa "sidewalk" ng beach. Nagulat nga ako at may lumalangoy pa pala sa ganung beach. But it's ok. At least yung mismong tubig ay....um...pwede na! Ang taas talaga ng alon! Sinasabayan namin ang alon. Sa sobrang taas ng alon, pwedeng pwede na kaming mag dunk! Ang taaaaaaaaaaas! Matindi talaga.

Nakauwi ako just in time for the Mother's Day. Bait talaga ni GOD. Nakauwi akong buo ang katawan. Safe. At nasa harap pa ng computer, gumagawa ng blog...

No comments: