Marami ang nagtataka kung bakit nagiging W ang letrang R pag ako na ang nagsalita. Isa lamang po ang dahilan dito: bulol ako sa letrang R. Opo, sa letwang AW.
Bata pa lamang ako ay hirap na hirap na akong bigkasin ang letrang R. Alam nyo yung pagbigkas ng R na parang pang motor. "RRRRRRRRRRR!" Basta pag ako na eh parang di mo maintindihang letra ang binibigkas ko: "RWWWWWWWW!" Ang labo. Basta bata pa lang ako eh ganyan na ako.
Kaya lagi akong tinutukso ng mga kaklase ko nung elementary at high school. Aliw na aliw sila sa R ko at lagi nilang pinababanggit sa akin. At hindi pa sila nakuntento, kung ano anong mga salita ang pinabibigkas sa akin para lang matest kung talaga bang bulol ako. Ang dami nun: Mighty Morphin' Power Rangers, Comprehensive Agrarian Reform Program, Ruler, Rose, Pag-aararo, Reverend, at kung ano ano pang mga salitang punong puno ng letrang R.
Naging masaya lang yung pagbigkas ko ng R sa piling ng crush ko na si Carren. Talagang pinaulit ulit nya sa akin yung pagbigkas ng pangalan nya at pangalan ko. Puro daw kasi R. Pinapakanta pa ako ng "Marie, Marie, Marie...". Ang labo. Pero ok lang dahil sya naman yung nagpapagawa eh. Saka at least alam nyang kapag may tumawag sa kanya na Cawwen eh alam nyang ako yun.
Ayon sa hakahaka ko, isa sa mga possibleng dahilan kung bakit bulol ang R ko eh dahil sa maikli ang dila ko. Hindi ko maitiklop ng maigi yung dila ko sa tuwing babanggitin ko yung letrang R. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako marunong pumito. Kalokohan talaga ito!
Pero ang sabi ng tita ko ay napapraktis naman daw ang tamang pagbigkas ng letrang R. Dapat lang daw eh palagi mo itong binabanngit. Isa sa mga solusyon nito ay ang maayos na pagsasalita ng wikang Ingles. Kung mapapansin nyo, maarte din sila magbigkas ng letrang R. Hindi rin masyadong barok. Samakatuwid, maaawi kong bigkasin ang letwang AW na naaayon sa gusto ko. Wala nang pwedeng kumontwa sa akin. Sa kadahilanang ito, maaawi na win siguwo akong mangawiw ng mga Amewican Giwls because thewe is not much diffewence between my AW and theiw AW. Maaawi ko na wing ipaliwanag sa kanila ang Compwehensive Agwawian Wefowm Pwogwam.
Once again this is Weuben, Wepowting...
Update: Kelan lamang ay may natutunan akong catch phrase, na bagamat hindi masyadong hitik sa R, ay may mabuting ibig sabihin kapag naging W and letrang R. At ang catch phrase na ito, ay "Rakrakan na!". Kayo na ang bahalang mag translate.
No comments:
Post a Comment