Tuesday, June 27, 2006

Flashback: Bakit biglang bumabalik ang nakaraan ng wala sa oras?

(Warning: Super Serious Mode! As in madramang super serious mode!)

...isang taon na rin ang nakalipas...

Bigla lang bumalik sa isipan ko ang nakaraan, na tatawagin natin sa pangalang "Past". Flashback nga eh. Gago rin minsan yang si Past eh. Sumusulpot nang wala sa oras. Nagpaparamdam kahit nagpapakamanhid ka. Magpapakita kahit hindi mo hinahanap. Mangungutang kahit wala kang pera...

Maliban kay Past, may isa pa akong kaibigan. Pero hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga ito o ano. Pag nanghihina ako, palalakasin nya ako. Pero pag malakas na ako, unti-unti nya ulit akong pahihinain. And thus the cycle begins. Hanep sa trip ito eh. Wala sigurong magawa sa buhay nya. Palibhasa, habang buhay sya dito sa mundo....yan si "Time".

Taragis itong si Time eh. Laging nawawala. Laging confused. Dati tinatanong ko yan sa mga interview ko. "Ano na ang pinakamagandang nagawa sayo ni Time?" Marami silang sagot. Puro common. Pawang pang miss universe lahat. Pero kung ako ang tatanungin, eto ang isasagot ko: "Time helped me heal. Time helped me stand up again. Time made me stronger. And from time to time, Time itself pokes my head whenever I feel too happy with my life...".

(Cue music here: What Might Have Been by Lou Pardini)

Paano nga kaya kung hindi lasing itong si Time? Kunwari, nagkapalit palit ang mga pangyayari. Mas maayos siguro yung turn of events. Mas masaya siguro. Actually, pwedeng mas masaya, pwedeng hindi. Pero minsan talaga hindi mo maalis sa isip mo na paano nga kaya kung...

Mahirap magpa-exam itong si Time, at walang katapusan. Dictation pa. Write the question, then answer! May time limit pa! Pero iba iba ang haba ng time limit, depende sa hirap ng tanong. May mga tanong ito na kelangan sagutan in less than 1 minute. May tanong naman na pwede mong sagutin after one year. May time ka pang mag research. At bilang partida, pwede kang mangopya sa exam na ito. Pwedeng mag kodigo. Pero bawal mandaya. Bawal mag walkout sa exam. Bawal punitin ang test paper. At bawal tapusin ang exam na mali ang sagot...

Ang problema pa dito kay Time, eh parang syang storage device na WORM (Write Once, Read Many). Pag nasagutan mo na yung tanong, hindi mo na pwedeng balikan para ayusin mo yung sagot. Pag hindi mo naman sinagutan, wala ka nang oras para balikan yun. Pero may catch itong exam na ito eh. Minsan, along the exam, inuulit nya yung tanong, rephrased nga lang. At pwede mong tingnan yung dati mong mga sagot, para makakuha ka ng tip.

Kanina lang, sa isang undeground Train Station, akala ko eh nakita ko ulit si "The Zeroth" (mas una sa first, pero unofficial). Kamukha eh, pero it turned out hindi pala sya. Ayun, na text ko tuloy ng di oras. Pero walang kamustahan. Talagang Time has changed everything na nga, everything in me that is. Last time naman, si "The First" ang biglang nag text out of nowhere. Nangangamusta. Ayun, mukha namang masaya. Masaya rin ako para sa kanya, pero...bakit ganun? Past is past na nga eh pero... nararamdaman kong tinutusok ako ng karayom ni Time. Gago talaga yun! Siguro nga nangyayari lang talaga ang mga ganung bagay.

Walang connection. More negatives than positives. More repelling that attraction. Clash of ideas, clash of principles. Clash of everything. Misunderstanding even with constant communication. Exploration. Something new to find. New sources, new minerals, new elements, new species. New experience. New experiment.

Hay naku...bwiset talaga yang si Past at si Time. Patuloy na namang nanggugulo sa isip ko. Palibhasa napansin na nasosobrahan na naman ako sa saya. Hmph! Lokong mga ito! Pero ok lang, sooner or later, hihingi rin ako ng pabor sa dalawang ito. Humingi ako ng extension sa tanong ni Time. May bago kasing syang tanong, parang narinig ko na dati. Alam kong mali ang sagot ko dun sa dati nyang tanong. Hindi ko pa alam ang tamang sagot. Tatanungin ko si Past. Baka makakuha ako ng OT...

"...a year has passed. I know she's happy. I really hope that she is happy...coz I know I am now..." --> Words of the MaR+Yr

Wala lang. Minsan masarap mag muni muni...wala lang. Remembering the past. Experiencing the present. Dreaming of the future. Mga bagay na tipong ginagawa ng mga insomiac....

(Note: Hindi ako malungkot. Hindi ako problemado. At hindi ako confused gaya ng nakalagay sa mood ko. Bigla lang talagang bumalik sa isip ko ang nakaraan ng wala sa oras. Kasi naman, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa't may LBM ako?!)

No comments: