Tuesday, June 27, 2006

gEnOs@iD Touch: Bakit may taong madaling makasira?

OO, inaamin ko. Isa akong mapanirang nilalang. Marami akong nasisira: gamit, pagkain, relasyon, damit, pati ngipin ko nasisira ko na. Ewan ko ba. Bata pa lang ako eh ang dami dami ko nang nasira at naipahamak nang dahil sa aking mga kamay, mga kamay na ubod ng gaspang. Kung meron tayong Midas' Touch, na kung saan ang lahat ng mahawakan nya ay ginto, ako naman ay may gEnOs@iD Hands...

Ano naman itong gEnOs@iD Hands, tanong nyo? Ang gEnOs@iD Hands ang pinaka magaspang at pinaka mapanirang kamay sa buong mundo (hanep sa intro!). Kung bakit ko nasabing mapanira ito, ikkwento ko iyan, ngunit bago ang lahat ay ikukwento ko muna kung bakit magaspang ang kamay ko.

Nung bata pa ako eh nagtataka rin ako kung bakit magaspang at kulubot ang aking mga kamay. Yung kamay kasing mga kalaro ko, kaklase ko, at kung sino sino pang bata na ka edad ko eh hindi naman magaspang ang kamay. Akala ko tuloy, pinarusahan ako ng dwende dahil may binunot akong magic kabute sa may bakuran namin. Ang tagal ko ring naniwalang kabute ang nagpakulubot ng kamay ko, until nung kumonsulta kami sa dermatologist. May tawag pala sa sakit ko. "Itchyiosis" (sana tama ang spelling) ang tawag dito at equivalent ito sa skin asthma. Pero mababaw lang yung sa akin, kasi puro extremeties lang ang apketado, gladly hindi aabot sa mukha ko, sa mga braso, katawan, at binti. So, ang kulubot lang na parte ng katawan ko ay ang aking kamay, paa, at...um...kamay!

So yan na nga, dami ko nang pinaggagagawa nung bata pa lang ako. Biruin mo, two years old pa alng ako eh nagmura na daw ako! Pero hindi yun ang gusto kong ikwento. Nung tatlong taong gulang pa lang ako, pinakawalan ko raw lahat ng manok ng lolo ko. Hinagilap daw talaga ng lolo ko yung mga manok na nakawala. Tapos eto pa, nung pitong taong gulang ako, pinag bababato ko yung mga itlog ng manok. Ang dami kong binasag na itlog. Sinayang ko ang mga ito. So, maaari nyo na ring tawaging abortion yun, dahil pwede pa sanang maging sisiw yun. Tuwing may nagagawa akong kasalanan, isinusumbong ako sa nanay ko. Pero gabi na kasi umuwi nanay ko. At tuwing alam kong may kasalanan akong ginawa ay maaga akong natutulog.

Ang kalaro ko nung bata ako ay ang pinsan kong si Billy. Hindi ko maalala kung may laruan syang hindi ko nasira. Basta pag may sira syang laruan, ako ang sumira nun for sure. Kaya galit na galit sa akin si Tita Baby at Tito Boy nun, lagi ko kasing nasisira gamit nila. Ang dami ko talagang nagagawang kalokohan pag kasama ko yang si Billy. Sya kasi lagi yung inosente, ako naman yung bad influence. Kadalasan yung mga bisikleta ng mga sapatero ni Tito Ding ang dinedekwat namin. Wala kasi akong bike nun eh. Yung bike naman ni Billy, tricycle. Walang kwenta. Kaya dukot kami sa mga sapatero. Tapos one time may nakita kaming mga dahon at sanga ng puno ng niyog. Ganito ang nangyari:

gEnOs@iD: Billy, isiga natin yang mga dahon ng niyog.

Billy: Wag na!

gEnOs@iD: Hinde, sige na, isiga na natin.

Billy: Wag na! Masusunog lang yan eh!

gEnOs@iD: Yun na nga eh! Susunugin nga natin eh. Matutuwa pa sila, tayo na ang magsisiga para sa kanila. Di na sila mahihirapan.

Billy: Sige na nga.

Kumuha ako ng posporo. "Tshk!", ayaw sumindi. "Tsshk!", ayaw ulit. "Tssssshk! Whoosh!", sumindi na ang posporo. Nasunog ang mga dahon. Tuwang tuwa kami sa aming nagawa. Nakatulong kami sa mga sapatero. Tiyak matutuwa nanay ko nito...pero teka, ang taas na ng apoy ah! SUUUUNOOOOG! Taragis, kasing taas na ang linya ng kuryente yung sunog. Kung nagtagal pa ng konti, sunog na ang linya ng kuryente. Kung mas nagtagal pa, may katabi kaming terminal ng bus, may gasolinahan sa mga terminal ng bus, di ba? Wala na! Wala na dapat ang Lamuan sa Marikina. Wala nang San Diego Clan sa Lamuan. Hindi na dapat ako nagsusulat nito. Pero buti na lang, mabibilis ang mga sapatero. Napatay nila ang sunog in no time! Yes, ang lupit nila! Ang galing! Heroes! Anak ng, habang pumuputok putok pa ang mga abo ng namatay ng sunog, eksaktong dumating si Tito Ding, yung may ari ng sapatusan. At oo, maaga akong natulog nung gabing iyon...

Isa pang experience nugn 10 years old ako. Ayaw mag print ng dot matrix na printer (hindi pa obsolete ang dot matrix nung panahon na yun) dun sa bahay ng lola ko.Sabi ko sa lola ko, "Nay! Ayaw mag print na!". Sabi ng lola ko, "Aba'y malay ko dyan!" Nag isip ako kung bakit walang ink. At ang magaling na RJ, ang naisip eh yung typewriter. Yung typewriter, paga ayaw ng mag print, walang ribbon. So naisip ko na wala nang ribbon ang printer. So naghanap ako ng parang ribbon dun sa printer. Buti na lang may nakita ako agad na parang ribbon. Binunot ako para palitan pero parang ang higpit. Pinuwersa ko! Ayun! Nabunot ko rin! Pero bakit ganun? Parang may mali? Hmmm...anak ng...! Data Wire pala sa loob ng printer connecting to the printer head yung binunot ko. Putsa, pinagalitan na naman ako ni Tito Boy! "Alam MO ba kung ano yung binunot MO?!" Syet...ang tanga tanga ko talaga. At oo nga pala, natulog ako ng maaga.

At ang pinakamalupit sa lahat, nung 11 ako. Gusto ko kasi mag basketball pero nakaharang yung owner ng lolo ko sa court. Kaya naglakas loon akong kunin ang susi at i-drive palayo sa court yung owner. Paatras ang maneobra ko. Hindi ko maalala kung paano yung gagawin ko. Kung brakes nga ba yung dapat na dahan dahang itaas para umandar yung owner, kung gas nga ba yung aapakan ko para huminto, at kung yung clutch ba eh yung pampabilis ng andar. At dahil napakatalino ko, eh inapakan ko kung clutch, dahan dahan kong itinaas, at nung gumalaw yung sasakyan eh inapakan ko yung brakes ng bahagya. Eh bumilis yung takbo! Idiniin ko pa sa brakes yung paa ko...gas pala yung inaapakan ko. Ayun, bumangga sa Honda Civic ng pinsan kong si Kuya Biboy. Nung panahon na yun pa naman eh bagets pa yung pinsan ko, at nag-uumpisa pa lang mauso ang hatchback ng Civic. Shock yung pinsan ko, galit na galit si Tita Baby, at tulog ako ng mga 6 P.M.

Kitams...pero ngayon, dahil sa mga masasamang experience na yan, naging mas maingat ako sa mga gamit. Metikuloso ako ngayon particularly sa mga gamit ko, at mga gamit dito sa bahay. Sinisigurado kong malinis, maayos, at nasa tamang lugar ang mga gamit para hindi aksidenteng makabasag..SHIT! "Sorry ma! Di ko sinasadyang matabig yung baso nyo!"...anyway, at alam nyo bang pwede ring masira ang mga characters sa binabasa nyo? May lumalabas daw na trash characters sa mga articles na gawa ng ibang tao sa kani-kanilang blogs. Ito raw ay sanhi ng madalas ng masturbation, pamboboso, at pagbabasa ng mga porno magazines nung bata pa lamang ang mga nagbabasa nito. So, kun£ ⌡≤↕■☻☺♥ hin♦♣♠•◘○ na kayong magbasΦ ng æÆ◄╗┼¥♫ ay ┴1─╟∟§.!

No comments: