Tuesday, November 21, 2006

Joe D' Mango: Bakit mas madaling magbigay ng love advice sa ibang tao kesa sa sariling puso?

Bigla kong naalala ang Love Notes. Oo, yung Love Notes. Yung nasa channel 5. Yung laging may featured love story kung saan starring ang mga young actors and actresses. Yung love story na kung saan ang istorya ay laging umiikot sa isang liham na ipinadala ng isang "letter sender", na kung minsan eh hindi mo alam kung ganun ba talaga kasakit yung love story nya. Na minsan ay may comedy moments pa. Na parang hindi nangyayari sa totoong buhay yung kwento. But that's beside the point. Sa huli ng istorya, may taong nagbibigay ng advice dun sa "letter sender", at umaasa na makatulong sya sa problema ni "letter sender".

May isa pa akong show na naaalala bukod sa Love Notes, and show ni Mr. Cupido. Na sa tuwing may nakakakilig na moment ay tutunog ang theme song ng Mr. Cupido. (insert song: "Mr. Kuuuuuupidoooo! Ako nama'y tulungan mo. Bakit di panain ang kanyang damdamin, upang ako ay mapansiiiiiin!!") At gaya ng Love Notes, ganun din ang tema ng Mr. Cupido. At sa huli, may nagbibigay din ng advice. Words of Wisdom ika nga, pero dahil tungkol ito sa love, Words of Love siguro ang tawag dito.

Kadalasan, nagkakaroon din tayo ng ating Love Notes moment, either side. Kadalasan, tayo ang hinihingan ng advice. Eksperto. Ganyan ang dating natin sa mga nanghihingi ng advice. Paralng laging tama yung mga sinasabi natin. Kasi "based from experience" kamo. Pasasalamatan ka nung binigyan mo ng advice. Pero kinabukasan, malalaman mong hindi nya sinunod yung advice mo dahil "sinunod nya ang puso nya". Tinanong ka pa nya. Pag sinabi mo namang "sundin mo yung nasa puso mo", ang susundin nya eh yung walang kwentang advice ng isang "kaibigan" nya. Kundi ka ba naman mainis.

Isa pang situation. Sinunod yung advice mo. Epektib. At simula noon, lagi na lang ikaw ang tinatanong dahil iniisip nyang lagi kang tama. Lagi ka ngang tama. Pero bakit lagi pa rin syang bumabalik sayo? Parang hindi sumasaya ang love life nya. Nakakalungkot rin yun kung iisipin mo di ba? Pero kadalasan naman, good ending. Dahil nakakatulong tayo sa iba.

Pero may mga oras din, na tayong mga overnight "love advice factory" ang sya ring humihingi ng advice sa iba. Corny. Feeling mo ikaw ang pinaka madramang tao sa mundo. Feeling mo ikaw ang pinaka kawawa. Lahat ng taong makasalubong mo, hihingan mo ng advice. Sobrang lungkot. Ultimate depression. Hindi ka na mapakali dahil iniisip mo sya. Sumasakit ang dibdib at kumikirot ang puso dahil iniisip mo kung mahal ka pa ba nya. Eto ang officemate, lalapit. Hihingian mo ng advice. Eh ito yung officemate na binigyan mo ng advice at tinulungan mo sa problema nya. Kinuwento mo yung story mo. Nanghingi ka ng advice. Anak ng teteng! Eh yan din yung sitwasyon ng officemate mo na ihiningi nya ng advice sayo. "Edi gawin mo rin yung payo mo sa akin...", yan ang sabi nya. Bigla kang natulala. Bigla mong nasabi sa sarili, "Oo nga ano. Pareho kami ng sitwasyon." Natulungan mo sya, so bakit hindi mo matulungan sarili mo?

Hay, bakit nga ba ako biglang napa blog ng ganito? Dahil ba napapadalas ang paghingi ko ng advice lately? O baka naman dahil may bigla akong nabasang Words of Love sa net?

-------------------------------------
Famous Love Quotes from famous people:

"Being in love is just like dancing a step that never goes out of style; sometimes you stumble, sometimes you hurt your partner's foot, but oftentimes you must learn new steps to survive." - Joe D' Mango

"Being in love is like something something..." - Dimplez

"Being in love is just like Geno...so cute!!!" - The GENOSAID

Tuesday, September 12, 2006

Genesis: Bakit lumaking gwapo at matalino (yabang!) ang taong-itim, dalawamput dalawang taon na ang nakakalipas

1984
Doc: Misis, I'm sorry pero kelangan nyo pong mag undergo ng c-section.
Misis: Ganun ba? Bakit po? Dahil po ba lagi syang umaakyat dito sa may tyan ko?
Doc: Hindi po. Masyado lang po talaga malaki ang anak nyo at pasaway pa. We have no choice po misis. Bwahahahaha! (evil laugh).

1984 (after birth)
Misis: Ano kaya ang magandang ipangalan sa anak natin?
Mister: Schwarzenegger?
Misis: Masyadong mahaba.
Mister: Richard Gomez?
Misis: Tall, dark, and handsome yun! Sa dark pa lang, bagsak na ang anak natin.
Mister: Tom Cruise?
Misis: Sa dark pa LANG, bagsak na yung anak natin. Wag mo na ako tanungin ulit!
Mister: Einstein?
Misis: Masyadong matalino.
Mister: Bin Laden?
Misis: Tunog terrorista...
Mister: AHHH!! Restituto Jograth!!
Misis: I love you sweetheart!
(Pero naawa sila sa bata at baka habambuhay silang isumpa kaya eventually iniba rin nila yung pangalan.)

1985
May isang batang kalong kalong ng nanay, habang iniikot at paulit ulit na nilalaro ng mga tao dun na para bang ngayon lang nakakita ng baby sa buong buhay nila. Matapos pag pyestahan ang pisngi ay oras na para hipan ang kandila sa cake. Pero ayaw ng kaininng baby yung cake. Bakit? Eh bakit naman kasi scented candles ang nilagay sa cake?

1989
Party sa preschool. Ang handa? Cake at Spagetti. Yan na lang ang naaalala ko. Dito nagsimula ang history ng birthday spagetti.

1991
Nagdiriwang daw ng kaarawan tuwing 1st, 7th, 13th, at 21th birthday. Bilang tanda siguro ng pagpasok sa bagong yugto ng buhay. Sa taong ito, 7th birthday na. Syempre may party, sa bahay para masaya. Di ko maalala kung may clown, dahil kung may clown man, ay siguradong pinaglaruan ko na ang ilong nito. May games din. Dinaya ko pa nga minsan yun, kasi yung pinsan ko wala pang napapanalunan na prize. Eh syempre gusto ko masaya lahat. Kaya siniguro ko na yung susunod na hahanapin sa "Bring Me" eh yung sya lang ang meron. O di ba? Hoy BILLY, naaalala ko pa yun. Ikaw ba?

1993
May crush kasi ako sa school. And as usual, alam ng lahat na crush ko sya. Kaya nung araw na ito, bigyan daw ako ng kiss nung girl. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari after kasi nagising na lang ako na may angels na umiikot sa ulo ko.

1997
13th birthday. Bowling birthday ito dahil bowling ang trip ko ng mga panahon na ito. Sila Richard Pablo pa yata yung mga kalaro ko. Di ko na maalala yung iba. Masarap mag bowling. Pero nung mga panahon na yun, katawan ko pa ang tumatama sa pins, hindi yung bola.

1998
Kainan lang sa bahay. Sina DJ at Melvin pumunta sa bahay. Umm...di ko maalala kung pumunta si Bob at Jardean...Batsa kung titingnan yung picture ko nung mga panahon na yun, isa lang ang mapapansin mo: Payat pa ako.

1999
Gumising ako na may cellphone sa tabi ng kama. First time ko makahawak ng cellphone. Tapos ay pumunta sa school [ara kunin ang class card. Tapos sa bahay, AOM Birthday Bash. Actually sina Nemia, Dan John, Melvin, Arturo, Maine, Joey, Dex, Julius (may nakalimutan pa ba ako?) ang pumunta nun. Munting salo salo. At ang tanging mapapansin mo ay, payat pa rin ako dito.

2000
Bigger birthday bash. Halos buong AOM na. Grabe! Parang sasabog na ang bahay sa dami nun. May souvenir pa nga ako nun dahil may special picture pa sa rooftop, parang class picture dahil halos kumpleto nga. Grabe yun!

2003
Usually kainan lang sa bahay ang birthday celebration. Kaso nung panahon na yun, medyo busy ako with school. Wala na akong oras mang invite. Aba'y malay ko bang sinetup nila ako para sa isang surprise party. Akalain mong nagpaalam ako kay Bekah sa skul, tapos nauna pa syang umuwi sa akin. Hanep talaga. Iba na ang may IAN. Bwahahahaha! It was a great experience.

2004
First birthday ko na may girlfriend ako. Hahaha. Sadly, it was also my last birthday with her, and at the same time, the last birthday I will ever spend with my bestfriend Bob. We had a footage, pero hindi ko na alam kung nasaan. *Sob*

2005
21 daw ang debut ng mga lalaki, so ayun, gumising ulit ako na may cellphone sa tabi ng kama. Darn it! D500!!! Yung pinapangarap kong bilhin! I really really love my parents. Tapos ang kainan, catered. Hahaha. I love it! Astig! Even the JPCS family was there. Ang galing!!! But I always wished na kasama sa catered foods yung birthday spagetti ng nanay ko...

2006
Inumpisahan ang araw na binati ng pinakamamahal kong tao sa ngayon. Kung di nyo sya kilala...basta binati nya ako. Alas dose impunto ng madaling araw, text agad from her ang natanggap ko. I really really love her. And well syempre andyan ang pagbati ni Bespren Bekah and all my close friends.

Dalawamput dalawang taon na ang nakakalipas. Kada taon, ipinagdiriwang natin ang ating mga araw ng kapanganakan. Para saan? Para ipaalala sa atin ng Diyos na, "Maswerte ka at umabot ka pa sa ganyang edad." Gusto kong magpasalamat sa Kanya at pinaabot nya pa ako sa ganitong edad dahil gusto ko pa talagang tumagal sa mundong ibabaw. (Naks!)

Bakit ko ba sinusulat itong blog na ito? Wala lang...bakit ba? Kanya kanyang trip lang yan.

Monday, August 07, 2006

A date with the Princess of Pearl: Bakit kailangang magpatayo ng mall na pagkalaki-laki?

Bata pa lamang ako eh namamangha na ako sa mga malalaking lugar. Naalala ko pa nga noong ang pinakamasayang lugar pa na puntahan ay ang Fiesta Carnival. Tuwang tuwa ako dun, at feeling ko yun na ang pinakamalaking pasyalan sa mundo. Pagdating naman sa mga mall, makapunta lang ako ng SM Cubao, ang saya saya ko na. Dahil excited na akong pumunta sa may food court kung saan located ang mga arcade shop. At kung sa area na rin lang ng Cubao ang pag-uusapan, hindi mawawala dyan ang excitement ng pagsapit ng pasko, dahil gustong gusto kong inaabangan ang mga moving manequins sa may labas ng COD, yung department store.

Tapos early 90's, napunta kami sa SM City. Yun pa lang ang alam kong SM City dati, yung nasa North EDSA. Naligaw pa nga ako dun eh, yung tipong umabot ako sa guard house at dun ako pinuntahan ng nanay ko para i claim. Napakalikot ko kasing bata. Mainipin na, restless pa! Ayun, madalas talaga akong naliligaw.

Tapos around early to mid 90's nang mauso ang Robinson's Galleria at SM Megamall, na syang pinaniniwalaang pinaka malaking mall nung time na yun. Nauso sa Galleria ang rumor na may ahas daw sa fitting room. Saka yung fountain at yung elevator na kita mo yung view ng mall. Nauso naman sa Megamall yung ice skating rink, yung may poste sa gitna.

At simula nun, sunod sunod na ang mga mall sa bansa. Kumalat ang mga mall na sing bilis ng pagtaas ng presyo ng langis. Nagsulputan ang mga mall na parang mga kabute, iba't ibang mga SM sa iba't ibang lugar, iba't ibang Robinson's Place, yang Sta. Lucia East Grand Mall, Glorietta, Powerplant, Podium, at iba pang mga malls at mini malls gaya ng StarMall.

Ngunit kamakailan lamang ay napasyal kami sa isang mall na hindi ko maintindihan kung bakit kinalingang magpatayo ng ganung klaseng mall. Ito ay walang iba kung hindi ang SM Mall of Asia, ang kinikilala ngayon na pinakamalaking mall dito sa bansa (at ikatlong pinakamalaking mall sa mundo).

Ang unang unang napansin ko dito ay ang HYPERMARKET. Ganun na lang ba kalaki yung MARKET na yun at hindi na kayang ipaliwanag ng SUPER kung gaano sya kalaki?

Anyway, kasama ko si Mutya nung pumunta kami rito. At first time naming nanood ng isang iMAX film. "The Ant Bully" yung movie na pinanood namin. Hehe. Ang gandaaaaaaaaaa! Iba ang dating pag sa iMAX mo pinanood. May dating! Iba yung effect ng naka 3D yun movie. Well originally in 3D anan talaga yung movie, but it creates another effects na yung certain images ay mas malapit sa iyo o mas malayo sayo. Salamat sa special polarized eyeglasses na paglaki laki.

After nito, pumunta kami sa TIMEZONE. Well, kung ikukumpara mo sya sa TIMEZONE sa GLORIETTA, maliit sya. But I didn't really mind, kasi sa laki kong ito, first time ko lang nag TIMEZONE!!! Promise! Hehehe. Ganun pala dun, card na lang ang ginagamit. Naaalala ko pa noong time na puro token ang ginagamit namin. Hahahaha! Na minsan ay dinadaya pa lalo na pag yung token ay kasing laki lamang ng pisong maliit. Anyway, magaling pala si Cha sa mga games. Panis ako sa basketball, 0-2. Di man lang ako nanalo. Nag car racing kami, talo din ako. Langyang mga games yan. Hehehehe. Sinubukan ko rin yung bowling, saka yung rifle shooting na game.

Naubusan kami ng gagawin sa TIMEZONE, so we decided to go and watch the scenery sa Manila Bay. Wow! Ang sarap! Ang sarap ng pakiramdam ng hangin. Nagpapahinga kami somewhere in the viewing area nang biglang, "BANG!!!!". May pumutok! Kala ko bomba or what...fireworks lang pala...FIREWORKS?!!! I even shot a video of the fireworks! Di ko nga lang natapos kasi nag low batt. But I think a shot the event for nearly one and a half minute. It was great! Kinda romantic too...the mood was sooooo good na eh, pahamak lang yung usok...

Anyway, nagpakasawa kaming nag iikot dun sa mall, then we decided to go back to TIMEZONE to play some more. We played Time Crisis 3, then we played House of the Dead, yung favorite shooting game ko. That was the 4th series. Magaling pala talaga si Cha sa mga games na ganun. We played HOTD4 hanggang sa sumakit na yung kamay namin at maubos yung load. Tsk, sayang. Hehehe. We could have beaten the final boss! May bata pa nga dun eh. Hehehe. Ang kulit! Mukhang natapos na nya yung game. At kino-coach pa nya kami! Nakakatuwa naman ang mga bata ngayon. Nung ma-dead ako at naglalaro pa si Cha at naubusan ako ng load, sya ang nagtuloy in behalf of me. Hehehe. We just wished him good luck nung mamatay na rin si Cha sa game. Hehe. Cute kid...

Then we went to this skating rink (na sa wakas ay wala ng poste sa gitna, if you know what I mean) na punong puno ng skater. Sayang at di kami nakapag skate dahil naka palda si Cha. So I just bought cotton candy and we sat somehwere in the viewing area sa 2nd floor. Masarap palang manood sa mga "The Good, the Bad, and the Ugly" ng skating. Lalo na yung isang middle aged man dun na parang madadapa lagi sa skating rink. Tinutulak tulak na nga lang sya ng kanyang anak, na di hamak eh mas marunong pa kesa sa ama! Hahahaha! Inaabangan nga namin matumba yung lalaki eh. Sa kasamaang pala ay hindi tumumba yung lalaki. And that was the end of our first date doon sa pinakamalaking mall sa bansa. We left the place, then hinatid ko na sya pauwi. I think we both had a good time naman. Salamat Mutya!

Natutuwa naman ako at ngayon matanda na ako, hindi na ako masyadong nawawala sa mga Mall. Sa mall na ito, malaking tulong ang compass (at may dala talaga akong compass) kaya madali kong nalalaman kung saan na yung south or north building kapag medyo naliliga ng konti. Malaki tingnan yung SM Mall of Asia, but actually, compared sa gross floor area ng Mall of Asia at ng Megamall, lamang lang ng konti ang Mall of Asia. Ilang hectares lamang ang difference. More or less 5 hectares of floor area. But it still looks great. Maganda. It's a mixture of a mall and a park. May main mall, at may area na walang aircon, parang park kumbaga. You should go to that place. Paminsan-minsan, masarap ding na e-exercise ang paa habang nag sa-shopping.

Moral of the Story: "Sa susunod, sisiguraduhin kong Short Stemmed yung rosas na bibilhin ko." (If you guys can't get the point, then you are not Mutya...)

Sunday, July 16, 2006

Bakit may mga taong tumutuloy sa summer outing kahit na signal number 2 sa pupuntahan nila?

Signal number 2 sa Nasugbu, Batangas...

Bagamat hindi signal number 2 dito sa Manila, mayroon pa ring malakas na ulan...

Pero parang walang balak umatras ang matatapang na empleyado ng Department of Foreign Affairs - Overseas Absentee Voting Secretariat. Tuloy ang outing!!! Yan ang sigaw. Walang signal signal number 2. Nag segway muna ako sa opisina namin sa PHILPIMS INC.

Geno: Kuya, i para mo naman ako ng taxi. May kukunin lang ako sa taas...
Guard: Eh boss, andyan si Sir Klink sa taas!
Geno: Anoooo??!!
Guard: Oo, ka-meeting si...
Geno: Sige kuya alis na ako!!!

Dumating ako sa DFA mga 12:15 ng tanghali. Malakas pa rin ang ulan sa Maynila. Ngunit tanaw na tanaw ko na ang bus, tanda na tuloy nga ang outing. Wala akong nagawa kundi sabihing, "Oh well, Batangas. here we come!"

Dahil excited ako sa outing, hindi ako nakatulog agad nung madaling araw. Matapos ang aking "midnight routine" na pag-cha-chat, hindi pa rin ako nakatulog agad. Excitement ako! Oh yes, I'm excitement! (...sa mga hindi nakakaintindi...bahala kayo sa buhay nyo...) Alas tres na nung makatulog ako, at alas nueve naman nung magising. May anim na oras lang akong tulog. Sa madaling salita, nakatulog ako sa byahe. Hehehe.

Eto na. Nagising ako sa isang stop over sa may Tagaytay. Ang lakas pa rin ng ulan! Nakayuko na ang mga puno ng niyog sa sobrang lakas ng hangin! Pero dahil optimistic ako, inisip ko na aaraw din yan pagdating namin sa Batangas. Pero tila nauubos yung optimism ko sa mga nakikita ko sa daan. Mahamog. Di ko alam kung hamog o ulap. Sa sobrang kapal, hindi ko alam kung saan kami pupulutin pag nahulog sa bangin yung bus. Maya't maya ay may "stop over" kami dahil sa mga nakaharang na sanga na sing laki ng isang kotse! Pero optimist ako. Sa Tagaytay lang yan! Sa Batangas, hindi na! Pero unti unti na namang nabawasan sa mga nakita ko ulit. Mga sanga. Nabiyak na puno. Nilipad na bubong. Mga nagkalat na dahon. Ayoko na. Parang gusto ko nang bumalik sa Maynila. Ang dami kong iniisip. Sana nagpaiwan lang ako. Nakapag chat pa sana ako sa gabi. Nandito sana ako ng umaga ng Mother's Day. Nagpapahinga na lang sana ako. Paano na ako? Makakauwi pa ba ako? Grabe! Tuluyan nang nawala ang optimism ko. Pero mahal ako ni GOD. Nakarating kami sa Batangas na buo pa ang katawan. Pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang possibility ng tsunami. Scarrryyyyy!!!

Kala ko kami lang ang mga gagong nagbabalak mag set ng record na mag swimming kasabay si "Caloy". Buti na lang marami ring gago na katulad namin. Fans club yata ni "Caloy".

Masarap mag swimming nang may bagyo:
Una: Walang araw. Walang sunburn. Pang Geno talaga ang setting.
Pangalawa: Malakas ang alon! The best!
Pangatlo: I love the wind, and I love the rain! At hindi ko na kailangan mag payong o mag-raincoat nang dahil lang sa "...baka mabasa ako...".

Hindi na kami nag beach nung hapon. Sa halip ay nag handa na lang ng makakain. Pagkakain, pahinga lang ng konti, sabay sawsaw sa pool. Gago rin yung driver ng OAVS dun. Sa totoo lang, ayaw ko dun. Kupal kasi. Nakakagago ba nung sinabi nyang, "Geno, hindi ka ba marunong lumangoy na nakataas ang ulo?" Gusto kong sabihing. "GAGO!!!" Pero nakapag pigil ako. Sabi ko lang, hindi yun ang tamang paraan ng paglangoy. Sa totoo lang, madali lang yung nakaangat ang ulo. Pero t*ngina namaaaan! Sabihin daw ba sa akin na mali yung paraan ko ng paglangoy nang dahil lang sa, "...nakakabangga ako?" Sabagay, mali yung paglangoy ko dahil hindi talaga pantay. Hirap talaga ako lumangoy ng pantay unless may goggles. Wala akong goggles kaya hindi ko kaya. Pero para sabihin TAMA DAW YUNG PARAAN NYA NG PAGLANGOY, EH PUT*NGIN*!!! Para saan pa ang principle na, "Swimming is good for the lungs." kung hindi lulublob ang ulo mo. Kaya nga inaasar ng tatay ko yang langoy na yan. Yan yung "Langoy Pogi". Isipin mo ito. Mag gel ka. Sabay swimming. Subukan mong tawirin yung pool gamit ang stroke na ito. Hindi magugulo ang buhok mo. At hindi masisira ang gel. Promise. Lalo na pag na perfect mo ang stroke na ito. Kagaya ng kupal na driver na yun. Sya lang, SYA LANG, sa talambuhay ko ng paglangoy, ang nagsabing MAS TAMA yung stroke nya kesa sa freestyle breathing...

Kinabukasan, nag beach na kami, sa wakas! Bangag pa ako dahil sa gabing inuman. Sa labas ako actually ng cottage natulog. Masarap ang simoy ng hangin. Malamig. Pahamak lang ang mga langaw at pinapakyaw ang mga pata...este...legs ko. Sinubukan naming mag beach. Grabe! Ang linis! (Sarcasm Alert! Sarcasm Alert!) Mas malinis pa yung sidewalk dito sa Marikina kumpara sa "sidewalk" ng beach. Nagulat nga ako at may lumalangoy pa pala sa ganung beach. But it's ok. At least yung mismong tubig ay....um...pwede na! Ang taas talaga ng alon! Sinasabayan namin ang alon. Sa sobrang taas ng alon, pwedeng pwede na kaming mag dunk! Ang taaaaaaaaaaas! Matindi talaga.

Nakauwi ako just in time for the Mother's Day. Bait talaga ni GOD. Nakauwi akong buo ang katawan. Safe. At nasa harap pa ng computer, gumagawa ng blog...

Tuesday, June 27, 2006

Insomia: Bakit may mga taong mahirap na patulugin, mahirap pang gisingin

Insomiac...

...hirap na naman ako matulog lately. Alas dos na ng madaling araw eh mulat na mulat pa ang mata ko, at masigla pa ang katawan ko. Minsan salitan sila. Pagod ang katawan, pero gising pa ang mata. Sumasara na ang mata pero alive and kicking pa ang katawan. Laging ganito ang scenario kapag nasa kama na ako...or kahit wala pa. This is not healthy for me, as well as for my job. Madalas kaya akong late, at kung ano ano pa. Alam ko may iba pa dyang katulad ko na insomiac din. Mahirap patulugin, mahirap gisingin. Kaya para sa mga insomiac na katulad ko, heto na ang tips ko kung ano ang dapat gawin para lang tuluyang makatulog. Ang lahat ng tips na ito ay ginagawa ko...

1. Umupo sa harap ng computer. Makipag chat. Manood ng mga boring na movies. Maglaro ng computer games gaya ng Minesweeper at ng Freecell. Pwede rin ang Counter Strike. Manood ng Anime Episodes gaya ng Naruto at Bleach. Magbasa ng mga jokes sa mga jokes site. Magbasa ng kung ano-ano. Sumali sa mga forum...at kung ano ano pa!Basta naiintindihan nyo naman siguro ako. Ang computer ay isang mabisang paraan ng pagpapantok. Ngunit kung gagamitin sa di wastong paraan, ang computer ay isa rin sa mga mabisang pampagising. Gaya ng panonood ng action movies at ng "action" movies...

2. Hangga't maaari ay gamitin ang mata. I mean pagurin ang mata. That way, siguradong titiklop ang mga mata mo. Gaya ng paglalaro ng PS2, panood ng TV, at pagbabasa ng FHM...este...educational books na sobrang boring na mga two inches thick. Subukang tapusin hanggang sa kahuli hulihang page. Siguradong sa isang gabi ay hindi ka tatagal ng mahigit 20 pages. Aantukin ka dahil napapagod ang iyong mga mata.

3. Gumawa ng mga bagay bagay na siguradong ikakapagod ng iyong katawan. Magbuhat ng weights. Walisin ang buong Megamall ng mag-isa. All floors. Mag sit-ups. Mag push-ups. Gawin lahat ng posibleng gawin basta pagurin ang katawan. At may alam akong isa pang bagay na siguradong mapapagod ang katawan mo...pero hindi ko sasabihin! (Wag madumi ang isip. Basta feel ko lang na wag sabihin...)

4. Bigyan ang sarili ng isang malaking responsibilidad. Mag overnight sa isang bahay para sa isang school project na matagal pa ang deadline. Siguraduhing matagal pa ang deadline, dahil kung bukas na ang pasahan eh hindi kayo makakatulog. Pero kung may tatlong araw pa kayo bago ang pasahan eh may time pa kayo matulog nyan.

5. Gumawa ng isang malaking kasalanan na siguradong pagagalitan ka without a doubt. Pakawalan ang mga alagang manok ng lolo mo. Basagin ang itlog ng mga inahin. Isiga ang mga natuyong dahon ng niyog. Banggain ang kotse ng pinsan mo. Magkaroon ng mababang grades. Sa ganitong paraan, masisiguro natin na pipilitin mong matulog sa lalong madaling panahon. Gawin lamang ito tuwing weekdays. Pwede rin tuwing weekends.

6. Gawin ang mga pinakaboring na bagay na maiisip mo. Manood ng mga palabas sa PTV 4. Makinig ng AM radio. Magbasa ng dyaryo. Manood ng Dora the Explorer. Mag shopping sa mga lugar na ayaw mong pag shopping-an. Makinig sa mga lecture ng inyong neighborhood friendly physics teacher, gaya ni Sir Pascual. Pag kayo ba naman eh hindi nakatulog sa lectures nya ay ewan ko na lang...

7. Relax yourself. Mag muni muni. Pangarapin ang mga imposible. Mag sounds. Makinig sa dream sounds. Piliting balikan ang iyong mga "what if" moments. Tingnan ang mga dating pictures. Basahin ang mga dating love letters (kung meron man...ako wala eh...promise!). Mag reminisce. Pero bago ang lahat ng yan eh maligo muna. At siguraduhing uminom ng gatas. Wag lysol, gatas. Kung gusto mong makatulog panghabang buhay, uminom ng lysol. Muriatic siguro para mas mabilis. O kaya eh matulog sa loob ng nakabukas na makina ng kotse sa loob ng covered parking area.

...at yan po ang mga ginagawa ko para lang makatulog. Hindi madaling magkaroon ng insomia...kasi pakiramdam mo, nocturnal ka. Alam nyo ba ang ibig sabihin ng nocturnal? Ang isang nilalang ay tinatawag na nocturnal kapag ang....zzzz.....zzzzz...hohummm.....

Flashback: Bakit biglang bumabalik ang nakaraan ng wala sa oras?

(Warning: Super Serious Mode! As in madramang super serious mode!)

...isang taon na rin ang nakalipas...

Bigla lang bumalik sa isipan ko ang nakaraan, na tatawagin natin sa pangalang "Past". Flashback nga eh. Gago rin minsan yang si Past eh. Sumusulpot nang wala sa oras. Nagpaparamdam kahit nagpapakamanhid ka. Magpapakita kahit hindi mo hinahanap. Mangungutang kahit wala kang pera...

Maliban kay Past, may isa pa akong kaibigan. Pero hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga ito o ano. Pag nanghihina ako, palalakasin nya ako. Pero pag malakas na ako, unti-unti nya ulit akong pahihinain. And thus the cycle begins. Hanep sa trip ito eh. Wala sigurong magawa sa buhay nya. Palibhasa, habang buhay sya dito sa mundo....yan si "Time".

Taragis itong si Time eh. Laging nawawala. Laging confused. Dati tinatanong ko yan sa mga interview ko. "Ano na ang pinakamagandang nagawa sayo ni Time?" Marami silang sagot. Puro common. Pawang pang miss universe lahat. Pero kung ako ang tatanungin, eto ang isasagot ko: "Time helped me heal. Time helped me stand up again. Time made me stronger. And from time to time, Time itself pokes my head whenever I feel too happy with my life...".

(Cue music here: What Might Have Been by Lou Pardini)

Paano nga kaya kung hindi lasing itong si Time? Kunwari, nagkapalit palit ang mga pangyayari. Mas maayos siguro yung turn of events. Mas masaya siguro. Actually, pwedeng mas masaya, pwedeng hindi. Pero minsan talaga hindi mo maalis sa isip mo na paano nga kaya kung...

Mahirap magpa-exam itong si Time, at walang katapusan. Dictation pa. Write the question, then answer! May time limit pa! Pero iba iba ang haba ng time limit, depende sa hirap ng tanong. May mga tanong ito na kelangan sagutan in less than 1 minute. May tanong naman na pwede mong sagutin after one year. May time ka pang mag research. At bilang partida, pwede kang mangopya sa exam na ito. Pwedeng mag kodigo. Pero bawal mandaya. Bawal mag walkout sa exam. Bawal punitin ang test paper. At bawal tapusin ang exam na mali ang sagot...

Ang problema pa dito kay Time, eh parang syang storage device na WORM (Write Once, Read Many). Pag nasagutan mo na yung tanong, hindi mo na pwedeng balikan para ayusin mo yung sagot. Pag hindi mo naman sinagutan, wala ka nang oras para balikan yun. Pero may catch itong exam na ito eh. Minsan, along the exam, inuulit nya yung tanong, rephrased nga lang. At pwede mong tingnan yung dati mong mga sagot, para makakuha ka ng tip.

Kanina lang, sa isang undeground Train Station, akala ko eh nakita ko ulit si "The Zeroth" (mas una sa first, pero unofficial). Kamukha eh, pero it turned out hindi pala sya. Ayun, na text ko tuloy ng di oras. Pero walang kamustahan. Talagang Time has changed everything na nga, everything in me that is. Last time naman, si "The First" ang biglang nag text out of nowhere. Nangangamusta. Ayun, mukha namang masaya. Masaya rin ako para sa kanya, pero...bakit ganun? Past is past na nga eh pero... nararamdaman kong tinutusok ako ng karayom ni Time. Gago talaga yun! Siguro nga nangyayari lang talaga ang mga ganung bagay.

Walang connection. More negatives than positives. More repelling that attraction. Clash of ideas, clash of principles. Clash of everything. Misunderstanding even with constant communication. Exploration. Something new to find. New sources, new minerals, new elements, new species. New experience. New experiment.

Hay naku...bwiset talaga yang si Past at si Time. Patuloy na namang nanggugulo sa isip ko. Palibhasa napansin na nasosobrahan na naman ako sa saya. Hmph! Lokong mga ito! Pero ok lang, sooner or later, hihingi rin ako ng pabor sa dalawang ito. Humingi ako ng extension sa tanong ni Time. May bago kasing syang tanong, parang narinig ko na dati. Alam kong mali ang sagot ko dun sa dati nyang tanong. Hindi ko pa alam ang tamang sagot. Tatanungin ko si Past. Baka makakuha ako ng OT...

"...a year has passed. I know she's happy. I really hope that she is happy...coz I know I am now..." --> Words of the MaR+Yr

Wala lang. Minsan masarap mag muni muni...wala lang. Remembering the past. Experiencing the present. Dreaming of the future. Mga bagay na tipong ginagawa ng mga insomiac....

(Note: Hindi ako malungkot. Hindi ako problemado. At hindi ako confused gaya ng nakalagay sa mood ko. Bigla lang talagang bumalik sa isip ko ang nakaraan ng wala sa oras. Kasi naman, bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa't may LBM ako?!)

Vertigo: Bakit umiikot ang mundo ng mas mabilis kesa sa inaasahan?

Inatake na naman ako ng Vertigo ko. Ewan ko kung vertigo nga ito o ano man, pero nung bata pa ako, mahiluhin na talaga ako. Hinding-hindi ko talaga kayang may ginagawang iba sa sasakyan maliban sa pag-upo at pakikinig sa radyo. Madali akong mahilo lalo na kung pipilitin kong maglaro ng cards sa kotse. O kaya naman eh may kelangan akong kunin sa may bandang likuran habang patuloy na umaandar ang kotse. Hindi ko yun kaya. Mahirap. Parang pinaikot yung kotse ng 360 degrees. Pakiramdam ko eh lumipas na ang isang linggo sa sobrang bilis ng pag-ikot ng mundo ko. Nahihilo na naman ako, pero hindi ako nasusuka. At inuulit ko, hindi ito motion sickness. Kaya ko pa namang sumakay at umulit sumakay ng limang beses sa Space Shuttle ng Enchanted Kingdom nang hindi sumusuka. Saka favorite ko pa rin ang Anchor's Away. Never akong nahilo dun. Pero sobrang gusto ko nang sumuka kapag nakasakay sa Ferris Wheel! Nakakatakot!

Pero ano nga ba ang Vertigo. Hinanap ko sa internet yung ibig sabihin. Eto sya:

Vertigo is a type of dizziness that's characterized by the sensation of spinning. It's sometimes referred to as a hallucination of motion. Imagine what it would feel like to be placed suddenly on a roller coaster that won't stop, and you begin to understand the alarming symptom of vertigo.

A fairly common cause of vertigo is labyrinthitis. This type of vertigo may occur after a flu-like illness, severe ear infection, or may have no clear cause. It's usually self-limited, meaning it goes away all by itself. But it may intermittently reappear over weeks to months. Bouts of vertigo are commonly treated with meclizine (Antivert).

Vertigo can also result from other vestibular (balance center) disorders. Benign Paroxysmal Positional Vertigo (BPPV) is thought to be caused by tiny loose particles floating freely in the fluid (endolymph) of the vestibular system. Meniere's disease is a chronic condition that causes vertigo associated with ringing or roaring and progressive hearing loss in the affected ear(s). Other causes of vertigo include vestibular neuronitis (inflammation of the vestibular nerves), and post traumatic vertigo which may occur after an injury to the head involving the inner ear structures. Sometimes vertigo may be a symptom of a more serious underlying illness such as a stroke or tumor.

Sa haba ng sinabi nya...wala akong naintindihan. Na-bombard ako ng mga medical terms na wala talaga akong naintindihan ni isa! Eh kung mga scientific name lang ng mga parte ng katawan ang pag-uusapan eh labia majora lang ang naaalala ko, hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin nun. Don't worry, i-reresearch ko sya sa susunod. (Note: Joke lang! Alam ko kung ano ang Labia Majora...at hindi ko sasabihin kung ano yun. Hindi talaga pwede!)

May naintindihan naman yata ako kahit papaano. Madumi raw ang tenga ng mga may vertigo. Asus! Eh lagi naman akong naglilinis ng tenga! It's as clean as a whistle ng laging hinihipan ng referee na may B.Breath. Siguro nga epekto ito nga palaging pagsusuot ng earphones at pag todo ng volume.

Alam nyo ba na ang madalas na pagsusuot ng earphones ay nagdudulot ng infection na tinatawag na Otitis Externa o Swimmer's Ear? Kapag naipit ang tubig sa loob ng tenga, it ay magdudulot ng pangangati at paglambot ng balata sa tenga. Ngunit bagamat tinatawag itong Swimmer's Ear, hindi lang mga manlalangoy ang pwedeng makakuha nito. Pwedeng makuha ito sa iba pang paraan:

Haaay...Vertigo, Itchyosis, Otitis Externa....ano ba yan...wala talaga akong naiintindihan. Di ko nga alam kung anong ginagawa ng mga medical terms sa blog ko...

HOY RJ! GUMISING KA NA! 8:45 NA NG UMAGA! LATE KA NA NAMAN!!!!!!!!!!!

Bakit laging fully booked ang mga hotel lalo na ang mga motel tuwing Valentines Day?

Sumalangit nawa, pero sayang at yumao na ang kagalang galang na si Ernie Baron (habang buhay kong maaalala ang barong na may biyak sa likod) dahil kung buhay pa sya eh tiyak na masasagot nya ang tanong kong ito, with matching scientific explanation pa!

Maiba ako, bakit nga ba ang hirap magpa reserve ng room sa mga hotel, lalo na sa mga motel tuwing malapit na ang Valentines Day?

Bakit nga ba?

May theory ako.

Noong unang panahon, nung nauso na ang Valentines Day, ay abalang-abala si Kupido sa pagpana ng mga lalaki at babae na sadyang nararapat na magmahalan. Abalang abala rin sya sa pagpana ng mga magkaaway na kailangang kailangan ng pagmamahalan.

Di naglaon, naubusan ng pana si Kupido. Pagod na pagod na rin sya, hindi na nya kaya pang bumalik sa langit dahil sa hindi na nya kayang lumipad. Pinagpasyahan nyang magpahinga sa isa sa mga bahay sa bayan. Madali sana syang makakapasok sa mga bahay, ngunit dahil nauubusan na sya ng kapangyarihan, naging mortal si Kupido. Di naglaon, isa-isa nyang kinakatok ang mga bahay, ngunit walang nagpapapasok sa kanya. Pawang may mga masasamang puso ang napupuntahan nyang may-ari ng bahay.

Biglang may tumapik sa likuran ni Kupido. Isang magandang babae ang humarap kay Kupido. "Kawawa ka naman. Mukhang hinang-hina ka na. Pagod na pagod. Halika at sumama ka sa bahay namin.", anyaya ng babaeng hindi man lang tinanong kung ano ang pangalan ng nakasalubong na si Kupido. Tila ba hindi na mahalaga kung sino sya o ano sya. Mas pumasok sa isip ng babae na kailangang kailangan ng tulong ng batang si Kupido.

Nang nakarating sila sa bahay ng babae, sinalubong sya nito ng kanyang asawa. Malugod na tinanggap ng mag-asawang nakilala ni Kupido bilang sina Henry at Mary Othel. "...ngunit, wala po akong maibabayad sa inyo...", mahinang sabi ni Kupido. "Hayaan mo na yun. Sige na at magpahinga ka na.", sabi ni Henry. Lubos na ikinatuwa ito ni Kupido.

Kinabukasan, masigla na ulit si Kupido. Nagpaalam sya sa mag-asawa. "Mag-iingat ka iho. Ano nga ba ang pangalan mo?", tanong ni Mary. "Ako po si Kupido. Tungkulin ko ang ikalat sa mundo ang pagmamahal. Sa naranasan ko kahapon, mukhang punong puno kayo ng pagmamahal, di lamang sa isa't isa, kundi na rin sa inyong kapwa. Balang araw, tuwing sasapit ang araw ng mga puso, laging maaalala ang kabutihang ginawa ninyo sa alagad ng pag-ibig."

Simula noon, ginugunita ng mga magsing-irog ang araw ng mga puso sa pamamagitan ng pagpunta sa mga bahay tirahan. Di naglaon, ang bahay tirahan ay nakilala bilang Hotel at Motel. Ito ang magpapaalala sa atin na minsan ay may mag-asawang handang ipinagamit ang kanilang kwarto sa taong hindi naman nila kilala upang ito ay tulungan.

At yan ang istorya kung bakit laging puno ang mga Hotel at Motel tuwing Valentines Day...

Sana ay may napulot kayong mabuting aral mula sa istoryang ito.

Bakit gumagawa ang isang tao ng autobiography?

nahukay ko sa baul ng JPCS-MIT...

pinasa ko itong auto biography na ito para makakuha ng pirma...

anak ng teteng...

=========================================================

Last night, I was looking at the mirror, talking to my reflection, asking myself, “What should I write? Autobiography? What? How should I describe myself?”. My mind was confused, thinking of what to say, as I started banging my head on my pillow, my reflection suddenly spoke, “You do not know yourself? What kind of guy are you?”. I glanced at my mirror, and was shocked with what I saw. Ten
reflections of myself were there, one of those is my true reflection. Now I began to see myself.

To most people, I’m just a big fat guy walking around like a stupid freak who acts weird and all. I’m San Diego, Reuben James V. San Diego (James Bond Style), a 5-foot, 9-inch tall, 85-kilo guy who loves playing with any entertainment system I can find. Physically, this 17-year old white guy who prefers short hair, has an elderly look hands, chubby cheeks, kirat na mata, and a egg-like head, seems to be just another normal teenager. But inside me, there are 9 personalities, each of which contributes a quality of my true self.

Codename: Megaman (from the longest running adventure game of the same title by CAPCOM). The mature type. He is very optimistic, for he can turn problems into solutions, weaknesses into strengths, failure into success. He always looked at the positive side of every negative event, and never takes things for granted. He never liked the scene of fighting friends, plastikan, tsismis, and anything negative. He is a one of a kind man, matured, sophisticated, God-fearing, and wise.

Callsign: Giedonas (from my surname San Diego; from the ’99 Christmas party name meaning, “The General”). The leader type. His empowering voice makes his members follow his polite commands. He knows how to take care of his member’s feelings, and treats everyone evenly. His knowledge makes his members believe in his abilities. He is one unique leader, disciplined, clever.

Penname: Genasoid (from my surname, San Diego; means “The Creature”). The poet type. Though he is not good with arts, his writing abilities compensate the needs of his imagination. Nothing much about this persona except for his dreams and fantasies.

Screenname: Genosaid (from my surname, San Diego; means “Death”). The player type. A computer game addict in the making, this guy loves to play fighting, strategy, and RPG games. He can stay awake for 48 hours, just to be able to play his computer. A negative persona, in the sense that it usually forgets his studies, health, family, and even loved ones just because of his computer. In
this persona, the computer is his girlfriend.

Alias: “Element_Real” (from the mathematics subject where: x is an element of real). The pa-cute type. His sense of humor, galing sa pambobola, respect, kindness, and gentlemanly manners contributes to his pogi points. His female friends always loved his innocent smile, rosy cheeks, at yung nawawalang mata pag tumawa ng tenor. And sometimes, his ultra bass voice adds a little charm to his looks. Though he seems cool to female friends (and gay too, right!), his heart is always lonely. He never was successful with girls for these girls always wanted “bad guys”, the one who looked cool, has a car, is rich, maporma, mayabang, maraming kakilala, madiskarte (in what way? kalokohan?!), lasingero, in short, PLAYERS!!! Yup, and this serious girl…nah, never mind.

A.K.A.: Ultimatum (from the series, Final Fantasy, Ultima Weapon). The adventurer type. Aside from his love for traveling (by any means: jeep, bus, walking, etc.), he takes care of nature too. As long as he can’t see a trash can, he will never throw that garbage away anywhere else. Nothing much about this guy, it’s just that traveling is his past time.

B.K.A.: Double_Helix (from Brunswick’s spare ball of the same name). The athletic type. He is concerned with his health and physical capabilities. He loves playing bowling and billiard, but bowling is closest to his heart, for it is his sport. He became a member of the Philippine Youth Training Pool three times. He is really good at this sport, but he was never contented with his abilities, for he can see that something can still be improved. His sportsmanship, discipline,
perseverance, and patience, is always seen every time he plays. For him, there are no games, just sports.

S.K.A.: Pugz (from the kwek-kwek vendors and 1st year block mates; special MIT name; literally means “pugo”). The childish type. The worst persona in the making, he actually acts like a child! That’s it! You know, the one who thinks everything is hard, is good in teasing other while in contrary, he gets upset so easily, one who seems not to know what is right and what is wrong, irresponsible, and the worst of all, acts like an idiot. Aside from these childish acts, he is fond of cursing others, boasting himself, getting attention of everyone vulgarly, lying, and saying dirty and bad words. He is a dependent person, lazy, and a genuine snobbish guy.

O.K.A.: “G” (from Shadow Skill; where G is the 7th letter of the alphabet meaning “The Strongest”, wherein 7 is my favorite number). The outgoing type. He knows how to get along with people and appreciates other people’s habits and customs. He loves music, parties, gatherings and movies.

Nickname: RJVSD. The real one. Now this is me, the real me, now I’m talking. At least one characteristic of each personality is seen in the real me, and yes, including the negative ones. For most of my friends, I seem to be mature, pretending to know how to handle life, how to view things positively, how to be a family man…yet, deep inside, I am but a child, a child who needs love from someone…someone so close to my heart. I myself can’t handle that single problem. Yes, I know how to handle different aspects of my life, yet on that perspective…the love perspective, I’m helpless.

Each personality could have explained what I really am. But I am not what I am today if not because of that certain girl. She is the reason why RJ is RJ. Until now, she still serves as my inspiration, even though she is far away…loving someone else.

I’m really such a weirdo! After typing all this, I just realized, “Ano ba to? Maalaala…?”. Yeah, yeah, my favorite color is black and the navy blue-blood red combination, food is sinigang na baboy, music is ballads and the senti, hobbies are sleeping and eating, philosophy is “Less is More”, etc. I always wanted to be “the unusual” in everything that I do and everything I have (this autobio is one proof)But still, I’d rather prefer this weird presentation of myself; one true story of what makes the real Reuben James V. San Diego.

==========================================================

syempre hindi na updated yung mga nakalagay dyan...hindi na totoo lahat...

wala lang...naaaliw lang ako...

ganito pala talaga ako ka weird? taragis...

Bakit nakikipag-exchange gift tuwing pasko?

Noong pre-school ko unang natikman kung paano makatanggap ng exchange gift. Pero kung itatanong nyo kung ano yung natanggap ko eh hindi ko yan masasagot dahil nakalimutan ko na. Pero yung natanggap ko nung grade 1, eh hindi ko alam kung bading ba ang tingin nya sa akin o hindi. Ah oo nga pala, hindi rin pala alam nung magbibigay kung sino ang bibigyan nya. So in-assume nya na babae yung tatanggap.

Bakit nga ba nag eexchange gift tuwing pasko? Na exchange din ba si Jesus para sa iba pang sanggol gaya ng laging nangyayari sa mga telenobela? Aba, akalain mong lagi na lang nag-eexchange babies ang mga nanay nila. Hindi ko malaman kung nagbunutan sila ng pangalan or anything.

Basta ang alam ko, ang exchange gift ay ginagawa bilang paggunita sa diwa ng pasko: ang pagbibigayan, pakikisalo, at pagmamahal.

Mahirap mag-isip ng ireregalo, at least yun yung isa sa mga kahinaan ko. Bobo ako sa pag iisip ng magandang regalo. At pasaway pa, dahil nagbibigay na nga ng clue eh hindi ko pa ma gets. Kunwari, magpaparinig yung isang matandang babae...um, kunwari kelangan nya ng bagong...um...pustiso. Sasabihin nung matandang ale, "Mukhang laos na yung housing ng pustiso ko, kelangan ko siguro ng bagong housing ng pustiso, yung dilaw, para maganda!". Hindi ko magegets yun, at reregaluhan ko pa sya ng toothbrush, with matching toothpaste pa, Colgate syempre, save the world from cavities! With shells??

Lately ko lang nalaman ang silbi ng wishlist. Dati akala ko kalokohan lang yang wishlist na yan. Iniisip ko pa sinong tanga ang titingin ng wishlist ng iba...pakialam ba namin sa wish mo. Eh ayun, dahil kelangan kong mag isip ng regalo na gusto nung kasama namin, napilitan akong tumingin sa wishlist. At oo, tanga na rin ako ngayon.

Kakatwa rin yang mga exchange gift na yan. Nung grade 6 ako, ang nakabunot sa akin eh yung bestfriend nung crush ko. Naaalala ko pa nga yung gift nya eh. Brown na leather wallet yun. May design pa ng world map. I treasured that wallet sobra. Pero nung 2nd time na naging kaklase ko sya, pareho lang ang nangyari. Yung crush ko na mismo yung nakabunot sa akin. Kung paano naging pareho, yung best friend nung crush ko at yung crush ko ay iisa...well at least with respect to time. Basta, sa dalawang beses kong naging kaklase yun, parehong sa graduating year, at parehong sya yung nakabunot sa akin sa exchange gift. Kahit nung reunion namin, sya pa rin yung nakabunot sa akin. Kelan nya kaya ulit mabubunot yung pangalan ko sa exchange gift? Miss ko na yun ah...

Tama na ang drama...marami talagang saya ang naidudulot ng exchange gift sa buhay ng mga taong naghahangad na may matanggap na regalo. At kung may dahilan man kung bakit may exchange gift, sa tingin ko eh yun na ang dahilan.
Noong pre-school ko unang natikman kung paano makatanggap ng exchange gift. Pero kung itatanong nyo kung ano yung natanggap ko eh hindi ko yan masasagot dahil nakalimutan ko na. Pero yung natanggap ko nung grade 1, eh hindi ko alam kung bading ba ang tingin nya sa akin o hindi. Ah oo nga pala, hindi rin pala alam nung magbibigay kung sino ang bibigyan nya. So in-assume nya na babae yung tatanggap.

Bakit nga ba nag eexchange gift tuwing pasko? Na exchange din ba si Jesus para sa iba pang sanggol gaya ng laging nangyayari sa mga telenobela? Aba, akalain mong lagi na lang nag-eexchange babies ang mga nanay nila. Hindi ko malaman kung nagbunutan sila ng pangalan or anything.

Basta ang alam ko, ang exchange gift ay ginagawa bilang paggunita sa diwa ng pasko: ang pagbibigayan, pakikisalo, at pagmamahal.

Mahirap mag-isip ng ireregalo, at least yun yung isa sa mga kahinaan ko. Bobo ako sa pag iisip ng magandang regalo. At pasaway pa, dahil nagbibigay na nga ng clue eh hindi ko pa ma gets. Kunwari, magpaparinig yung isang matandang babae...um, kunwari kelangan nya ng bagong...um...pustiso. Sasabihin nung matandang ale, "Mukhang laos na yung housing ng pustiso ko, kelangan ko siguro ng bagong housing ng pustiso, yung dilaw, para maganda!". Hindi ko magegets yun, at reregaluhan ko pa sya ng toothbrush, with matching toothpaste pa, Colgate syempre, save the world from cavities! With shells??

Lately ko lang nalaman ang silbi ng wishlist. Dati akala ko kalokohan lang yang wishlist na yan. Iniisip ko pa sinong tanga ang titingin ng wishlist ng iba...pakialam ba namin sa wish mo. Eh ayun, dahil kelangan kong mag isip ng regalo na gusto nung kasama namin, napilitan akong tumingin sa wishlist. At oo, tanga na rin ako ngayon.

Kakatwa rin yang mga exchange gift na yan. Nung grade 6 ako, ang nakabunot sa akin eh yung bestfriend nung crush ko. Naaalala ko pa nga yung gift nya eh. Brown na leather wallet yun. May design pa ng world map. I treasured that wallet sobra. Pero nung 2nd time na naging kaklase ko sya, pareho lang ang nangyari. Yung crush ko na mismo yung nakabunot sa akin. Kung paano naging pareho, yung best friend nung crush ko at yung crush ko ay iisa...well at least with respect to time. Basta, sa dalawang beses kong naging kaklase yun, parehong sa graduating year, at parehong sya yung nakabunot sa akin sa exchange gift. Kahit nung reunion namin, sya pa rin yung nakabunot sa akin. Kelan nya kaya ulit mabubunot yung pangalan ko sa exchange gift? Miss ko na yun ah...

Tama na ang drama...marami talagang saya ang naidudulot ng exchange gift sa buhay ng mga taong naghahangad na may matanggap na regalo. At kung may dahilan man kung bakit may exchange gift, sa tingin ko eh yun na ang dahilan.

Reversitron Love: Bakit baliktad ang mundo ng pag-ibig?

(Blogger's Note: Ang susunod na kasulatan ay isa sa mga nakakatuwang artikulo na umiikot sa e-mail.)

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo ay totoo pa rin.

Ang labo diba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Teka, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people." Nakakatawa kasi cum laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot.

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang PUCHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing galing mo? Pero 'pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ang pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede na 'ko mamatay. Now na!"

At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos 'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto.

Ang labo talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no? Nakakaiyak.

gEnOs@iD Touch: Bakit may taong madaling makasira?

OO, inaamin ko. Isa akong mapanirang nilalang. Marami akong nasisira: gamit, pagkain, relasyon, damit, pati ngipin ko nasisira ko na. Ewan ko ba. Bata pa lang ako eh ang dami dami ko nang nasira at naipahamak nang dahil sa aking mga kamay, mga kamay na ubod ng gaspang. Kung meron tayong Midas' Touch, na kung saan ang lahat ng mahawakan nya ay ginto, ako naman ay may gEnOs@iD Hands...

Ano naman itong gEnOs@iD Hands, tanong nyo? Ang gEnOs@iD Hands ang pinaka magaspang at pinaka mapanirang kamay sa buong mundo (hanep sa intro!). Kung bakit ko nasabing mapanira ito, ikkwento ko iyan, ngunit bago ang lahat ay ikukwento ko muna kung bakit magaspang ang kamay ko.

Nung bata pa ako eh nagtataka rin ako kung bakit magaspang at kulubot ang aking mga kamay. Yung kamay kasing mga kalaro ko, kaklase ko, at kung sino sino pang bata na ka edad ko eh hindi naman magaspang ang kamay. Akala ko tuloy, pinarusahan ako ng dwende dahil may binunot akong magic kabute sa may bakuran namin. Ang tagal ko ring naniwalang kabute ang nagpakulubot ng kamay ko, until nung kumonsulta kami sa dermatologist. May tawag pala sa sakit ko. "Itchyiosis" (sana tama ang spelling) ang tawag dito at equivalent ito sa skin asthma. Pero mababaw lang yung sa akin, kasi puro extremeties lang ang apketado, gladly hindi aabot sa mukha ko, sa mga braso, katawan, at binti. So, ang kulubot lang na parte ng katawan ko ay ang aking kamay, paa, at...um...kamay!

So yan na nga, dami ko nang pinaggagagawa nung bata pa lang ako. Biruin mo, two years old pa alng ako eh nagmura na daw ako! Pero hindi yun ang gusto kong ikwento. Nung tatlong taong gulang pa lang ako, pinakawalan ko raw lahat ng manok ng lolo ko. Hinagilap daw talaga ng lolo ko yung mga manok na nakawala. Tapos eto pa, nung pitong taong gulang ako, pinag bababato ko yung mga itlog ng manok. Ang dami kong binasag na itlog. Sinayang ko ang mga ito. So, maaari nyo na ring tawaging abortion yun, dahil pwede pa sanang maging sisiw yun. Tuwing may nagagawa akong kasalanan, isinusumbong ako sa nanay ko. Pero gabi na kasi umuwi nanay ko. At tuwing alam kong may kasalanan akong ginawa ay maaga akong natutulog.

Ang kalaro ko nung bata ako ay ang pinsan kong si Billy. Hindi ko maalala kung may laruan syang hindi ko nasira. Basta pag may sira syang laruan, ako ang sumira nun for sure. Kaya galit na galit sa akin si Tita Baby at Tito Boy nun, lagi ko kasing nasisira gamit nila. Ang dami ko talagang nagagawang kalokohan pag kasama ko yang si Billy. Sya kasi lagi yung inosente, ako naman yung bad influence. Kadalasan yung mga bisikleta ng mga sapatero ni Tito Ding ang dinedekwat namin. Wala kasi akong bike nun eh. Yung bike naman ni Billy, tricycle. Walang kwenta. Kaya dukot kami sa mga sapatero. Tapos one time may nakita kaming mga dahon at sanga ng puno ng niyog. Ganito ang nangyari:

gEnOs@iD: Billy, isiga natin yang mga dahon ng niyog.

Billy: Wag na!

gEnOs@iD: Hinde, sige na, isiga na natin.

Billy: Wag na! Masusunog lang yan eh!

gEnOs@iD: Yun na nga eh! Susunugin nga natin eh. Matutuwa pa sila, tayo na ang magsisiga para sa kanila. Di na sila mahihirapan.

Billy: Sige na nga.

Kumuha ako ng posporo. "Tshk!", ayaw sumindi. "Tsshk!", ayaw ulit. "Tssssshk! Whoosh!", sumindi na ang posporo. Nasunog ang mga dahon. Tuwang tuwa kami sa aming nagawa. Nakatulong kami sa mga sapatero. Tiyak matutuwa nanay ko nito...pero teka, ang taas na ng apoy ah! SUUUUNOOOOG! Taragis, kasing taas na ang linya ng kuryente yung sunog. Kung nagtagal pa ng konti, sunog na ang linya ng kuryente. Kung mas nagtagal pa, may katabi kaming terminal ng bus, may gasolinahan sa mga terminal ng bus, di ba? Wala na! Wala na dapat ang Lamuan sa Marikina. Wala nang San Diego Clan sa Lamuan. Hindi na dapat ako nagsusulat nito. Pero buti na lang, mabibilis ang mga sapatero. Napatay nila ang sunog in no time! Yes, ang lupit nila! Ang galing! Heroes! Anak ng, habang pumuputok putok pa ang mga abo ng namatay ng sunog, eksaktong dumating si Tito Ding, yung may ari ng sapatusan. At oo, maaga akong natulog nung gabing iyon...

Isa pang experience nugn 10 years old ako. Ayaw mag print ng dot matrix na printer (hindi pa obsolete ang dot matrix nung panahon na yun) dun sa bahay ng lola ko.Sabi ko sa lola ko, "Nay! Ayaw mag print na!". Sabi ng lola ko, "Aba'y malay ko dyan!" Nag isip ako kung bakit walang ink. At ang magaling na RJ, ang naisip eh yung typewriter. Yung typewriter, paga ayaw ng mag print, walang ribbon. So naisip ko na wala nang ribbon ang printer. So naghanap ako ng parang ribbon dun sa printer. Buti na lang may nakita ako agad na parang ribbon. Binunot ako para palitan pero parang ang higpit. Pinuwersa ko! Ayun! Nabunot ko rin! Pero bakit ganun? Parang may mali? Hmmm...anak ng...! Data Wire pala sa loob ng printer connecting to the printer head yung binunot ko. Putsa, pinagalitan na naman ako ni Tito Boy! "Alam MO ba kung ano yung binunot MO?!" Syet...ang tanga tanga ko talaga. At oo nga pala, natulog ako ng maaga.

At ang pinakamalupit sa lahat, nung 11 ako. Gusto ko kasi mag basketball pero nakaharang yung owner ng lolo ko sa court. Kaya naglakas loon akong kunin ang susi at i-drive palayo sa court yung owner. Paatras ang maneobra ko. Hindi ko maalala kung paano yung gagawin ko. Kung brakes nga ba yung dapat na dahan dahang itaas para umandar yung owner, kung gas nga ba yung aapakan ko para huminto, at kung yung clutch ba eh yung pampabilis ng andar. At dahil napakatalino ko, eh inapakan ko kung clutch, dahan dahan kong itinaas, at nung gumalaw yung sasakyan eh inapakan ko yung brakes ng bahagya. Eh bumilis yung takbo! Idiniin ko pa sa brakes yung paa ko...gas pala yung inaapakan ko. Ayun, bumangga sa Honda Civic ng pinsan kong si Kuya Biboy. Nung panahon na yun pa naman eh bagets pa yung pinsan ko, at nag-uumpisa pa lang mauso ang hatchback ng Civic. Shock yung pinsan ko, galit na galit si Tita Baby, at tulog ako ng mga 6 P.M.

Kitams...pero ngayon, dahil sa mga masasamang experience na yan, naging mas maingat ako sa mga gamit. Metikuloso ako ngayon particularly sa mga gamit ko, at mga gamit dito sa bahay. Sinisigurado kong malinis, maayos, at nasa tamang lugar ang mga gamit para hindi aksidenteng makabasag..SHIT! "Sorry ma! Di ko sinasadyang matabig yung baso nyo!"...anyway, at alam nyo bang pwede ring masira ang mga characters sa binabasa nyo? May lumalabas daw na trash characters sa mga articles na gawa ng ibang tao sa kani-kanilang blogs. Ito raw ay sanhi ng madalas ng masturbation, pamboboso, at pagbabasa ng mga porno magazines nung bata pa lamang ang mga nagbabasa nito. So, kun£ ⌡≤↕■☻☺♥ hin♦♣♠•◘○ na kayong magbasΦ ng æÆ◄╗┼¥♫ ay ┴1─╟∟§.!

Bakit makapangyarihan ang salitang "KUNG"?

KUNG...PAANO KUNG...

Makapangyarihan yang mga katagang yan. Malupit ang gamit. Kaya nitong gawing tama ang mali. Kaya nitong ibalik ang nakaraan. Kaya nitong pagandahin ang pangit. Kaya nitong gawing babae ang mga lalaki. Kaya nitong gawing matinee idol si Pekto. Kaya nitong gawing matangkad si Mahal. Kaya nitong patabain si Palito. Kaya nitong gawin ang imposible. Kaya nitong gawin ang lahat. At kaya nitong gawing 50$ = 1 Php ang palitan ng dolyar sa peso.

KUNG...PAANO KUNG...

Malupit itong mga katagang ito. Naging joke na nga ito sa bowling center eh. Kung strike sana ako sa 5th frame edi sana may 5 bagger na ako. Ayos ano? Eh kung ako man eh kung strike lahat ng frame ko edi sana may perfect game na ako. Kung yung mga strike ko sana sa iba't iba kong game eh nag sama-sama edi sana 6 consecutive perfect games na ako. Taragis, lupit talaga!
Eh kung super saiyan lang sana ako, pwede na sana akong maging blonde gaya ni Goku. At kung black american lang sana ako edi malaki sana ang aking...um...biceps...

Ewan ko ba kung bakit gamit na gamit yan ng mga Pilipinong mahilig mangarap. Sabagay kasi mas madaling sabihin kesa gawin di ba? Ganun talaga. Hindi kasi lahat ng bagay eh pwede nating makuha. Talagang minsan, sinasadya ng Diyos na bigyan tayo ng konting pagsubok. Mga pahapyaw nya kumbaga. At pag alam nyang medyot tumatagilid na tayo eh sya mismo ang gagawa ng paraan para punan yung pagkukulang na yun. Nasa sa iyo na kung makikita mong ginagawa nya yun.

Katulad na lang ng mga nakaraang araw. Isang linggo akong depressed. Siguro dahil naghiwalay kami ng girlfriend ko. At namimiss ko na sya. So siguro dahil alam ng Diyos na sobrang depressed ako eh hinayaan nya akong manalo sa bowling, na kung saan parang ako lang ang mataas o maganda ang score. Naging masaya ako nun pagkatapos. Feeling ko ako na ang pinakamagaling na bowler sa mundo, kahit na alam kong hindi. Basta ang saya ko nun. Ginawang ng paraan ni GOD. Kung hindi mo nakita yun, sobrang hindi mo na aapreciate yung ginagawa ng Diyos para sa iyo.

Maraming ginagawa ng Diyos para sa atin na hindi man lang natin napapansin na yun na pala yun. Palibhasa, marami kasi sa atin ang inaasa na lang lahat sa Diyos pero wala namang ginagawa. Hindi ka pwedeng magdasal na sana pumasa ka sa exam kung ipapasa mo yung test paper mo na blanko lahat. Sobrang himala naman nun...at ano ang gagawin mo? Aasa ka na lang sa KUNG?

Minsan nga eh binibigyan na tayo ng Diyos ng konting biyaya. At kung minsan eh yung mahirap na pagsubok na naibigay nya eh pinapagaan nya. Pero lagi na lang yung masamang side o yung pangit na side yung nakikita natin. Minsan tuloy nakakalimutan na nating pasalamatan ang Diyos dahil minsan eh hindi na tayo na kuntento sa paunti-unting binibigay nya sa atin. Pagsubok lang ang mga yan. Nasa sa atin na yan para isipin ang mga magagandang punto kesa sa mga masasamang punto.

KUNG tayo ba naman ay kikilos, KUNG tayo ay marunong tumingin sa tamang landas, sa tamang punto, edi sana mas madali ang buhay kesa sa inakala natin. Yan eh KUNG...

KUNG...PAANO KUNG...

Bakit nagiging W ang letrang R

Marami ang nagtataka kung bakit nagiging W ang letrang R pag ako na ang nagsalita. Isa lamang po ang dahilan dito: bulol ako sa letrang R. Opo, sa letwang AW.

Bata pa lamang ako ay hirap na hirap na akong bigkasin ang letrang R. Alam nyo yung pagbigkas ng R na parang pang motor. "RRRRRRRRRRR!" Basta pag ako na eh parang di mo maintindihang letra ang binibigkas ko: "RWWWWWWWW!" Ang labo. Basta bata pa lang ako eh ganyan na ako.

Kaya lagi akong tinutukso ng mga kaklase ko nung elementary at high school. Aliw na aliw sila sa R ko at lagi nilang pinababanggit sa akin. At hindi pa sila nakuntento, kung ano anong mga salita ang pinabibigkas sa akin para lang matest kung talaga bang bulol ako. Ang dami nun: Mighty Morphin' Power Rangers, Comprehensive Agrarian Reform Program, Ruler, Rose, Pag-aararo, Reverend, at kung ano ano pang mga salitang punong puno ng letrang R.

Naging masaya lang yung pagbigkas ko ng R sa piling ng crush ko na si Carren. Talagang pinaulit ulit nya sa akin yung pagbigkas ng pangalan nya at pangalan ko. Puro daw kasi R. Pinapakanta pa ako ng "Marie, Marie, Marie...". Ang labo. Pero ok lang dahil sya naman yung nagpapagawa eh. Saka at least alam nyang kapag may tumawag sa kanya na Cawwen eh alam nyang ako yun.

Ayon sa hakahaka ko, isa sa mga possibleng dahilan kung bakit bulol ang R ko eh dahil sa maikli ang dila ko. Hindi ko maitiklop ng maigi yung dila ko sa tuwing babanggitin ko yung letrang R. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako marunong pumito. Kalokohan talaga ito!

Pero ang sabi ng tita ko ay napapraktis naman daw ang tamang pagbigkas ng letrang R. Dapat lang daw eh palagi mo itong binabanngit. Isa sa mga solusyon nito ay ang maayos na pagsasalita ng wikang Ingles. Kung mapapansin nyo, maarte din sila magbigkas ng letrang R. Hindi rin masyadong barok. Samakatuwid, maaawi kong bigkasin ang letwang AW na naaayon sa gusto ko. Wala nang pwedeng kumontwa sa akin. Sa kadahilanang ito, maaawi na win siguwo akong mangawiw ng mga Amewican Giwls because thewe is not much diffewence between my AW and theiw AW. Maaawi ko na wing ipaliwanag sa kanila ang Compwehensive Agwawian Wefowm Pwogwam.

Once again this is Weuben, Wepowting...

Update: Kelan lamang ay may natutunan akong catch phrase, na bagamat hindi masyadong hitik sa R, ay may mabuting ibig sabihin kapag naging W and letrang R. At ang catch phrase na ito, ay "Rakrakan na!". Kayo na ang bahalang mag translate.

Bakit naging gEnOs@iD si RJ San Diego (at iba pang mga coincidence sa buhay nito)

Marami ang nagtatanong (at ayaw nang malaman pa) kung bakit naging GENOSAID ang nickname ko. Nag-umpisa ang lahat ng ito nung bata pa lamang ako. (Flashback)

Ang pangalan ko ay Reuben James Valdez San Diego. RJ ang nickname ko. San Diego dahil apelyido ng tatay ko yun, at Valdez kasi apelyido ng nanay ko yun nung dalaga pa sya, sana lang alam nyo na yung dahilan kung bakit ganun di ba? Ang Reuben at James ay hango sa Bible. Ito ang pangalan ng panganay na anak ni Jacob na si Reuben o Rueben (isa sa dalawa ang tamang pangalan). Sya din ang kuya ni Joseph the Dreamer. Bagay sa akin dahil ako ang panganay. Si James naman ay isa sa mga Apostles ni Jesus. Ngunit kung pagsasamahin mo yung dalawang pangalan, ang Reuben James ay isa sa mga kanta ng country singer na si Kenny Rogers. Binanggit ni Kenny sa kanta na si Reuben James ay isang "Hungry White Child", na bagay na naman sa akin dahil maputi ako...at laging gutom. Syempre yung RJ eh initials nung first name ko. Ngunit bago tayo magtuloy sa kwento ko, ikukwento ko muna yung tungkol sa favorite number at computer game character.

Bata pa lamang ako eh naging favorite number ko na yung number 7. Seven. Syete. Pito. Ano bang meron dito? Swerte daw sabi ng matatanda. Dahil ba may seven days sa isang week? O baka naman dahil may seven sacraments, seven deadly sins, seven last words, at 7th heaven. At nagpahinga nga pala ang Diyos on the 7th day, di ba? Banal siguro ang seven, kaya ko ito nagustuhan. At kung nag Grade 7 ako, eh sa taong 1997 ako magtatapos ng elementary. Ayos ba? Oo nga pala, 7 years old yata ako nung magustuhan ko itong number na ito...

Napagtripan ko ring magustuhan yung mga bagay na ayaw ng nakararami. Gaya na lang ng number 13. Thirteen. Trese. Labing-tatlo. Bakit ba ayaw nila dito? At pilit itong iniiwasan maging ng kasaysayan. Gaya nito: 12 lang ang Apostles ni Jesus, 12 lang ang months, at hanggang 12 lang ang numero sa analog na relo. At wala talagang 13th floor sa halos lahat ng building, at wala ring cinema 13. At kung bakit naman sa isang di maintindihang pagkakataon eh sa 12th day ng september ako ipinanganak, gayong caesarian naman ako...bitin lagi...ano bang masama sa 13? Kaya ayon, dahil diring diri ang tao sa 13 ay kinuha ko sya bilang isang mabait ng favorite number.

Nung 7 years old ako, bukod sa number na seven, ay nadiskubre ko ang isa sa mga pinakamagandang laro na nalalaman ko. Favorite game ko ito, at ang pangalan ay Megaman. Sino ba si Megaman? Isa syang kulay asul na robot na may baril sa kamay. At hindi lang yan, dahil kapag napatay ni Megaman ang isang kalaban na may kapangayarihang elemental katulad nila Fireman, Iceman, Bombman, Elecman, at Kikoman, ay pwedeng makuha ni Megaman ang powers nila. Samakatuwid, magkakaroon na si Megaman ng kapangyarihang gumawa ng sunog, magpalamig, magpasabog, manguryente, at magpasarap ng pritong isda. Hanep! Ang galing, di ba? At hindi lang yan! Meron pa syang assistant na aso na robot din, na may kakayahang maging recoil, jet, at submarine. Kung hindi ka ba naman talaga mabilib...malupit ito!

Balik tayo sa mga pangalan...Reuben ang tawag sa akin nung grade school. Uso talaga yan sa mga ganyang stage ng pagkabata. Palibhasa kasi ganyan ang tawag sa iyo ng adviser mong ubod ng sungit, full name pa minsan ang ginagamit. Kaya Reuben ang tawag sa akin until mag 2nd year ako. Pero may progress, dahil nung second year ako, ulo na ang tawag sa akin. ANG GANDA di ba? ULO! Astig! Anak ng teteng! Malaki kasi ang ulo ko (as in yung sa taas ha? ...but then again...), in a point na yung toga cap ko eh laging 1 or 2 sizes bigger than my classmates. Basta ang laki nya! Kapansin pansin. Napagdiskitahan tuloy. OK lang, dahil pinaganda nung isa kong kaklase yung tawag sa akin. Tinawag nya akong GENO...OO, tama yung iniisip mo! Sya nga yung isa dun sa dalawang mascot ng Sustagen. Ang laki kasi ng ulo ng mascot pero ang liit ng katawan. Pero diba mas maganda sa ULO, pwede na ang GENO.

Nagbago ulit nung 3rd year, dahil aside from the people na hindi talaga mapakaling tawagin akong ulo, ay tinawag na rin nila ako (at last) by my real nickname. OO! For the first time tinawag akong RJ sa school. And of course, only by my closest friends. Umabot ang tawag ng RJ sa akin until 4th year, pero sa 3rd year muna tayo mag stay. Around December nung 3rd year, syempre malapit na ang pasko. Exchange gift daw. May pakulo yung adviser namin. Instead daw na real names namin, gumawa daw kami ng pangalan na kung saan there's now way na malalaman ng bubunot sa pangalan ko na ako yung binunot nya, until of course sa mismong araw ng xmas party, kung kelan binubuksan yung mga in-exchange gifts. So kunwari, may kaklase akong ang pangalan eh...um...Joseph Estrada. Gagawa sya ng codename na kung saan hindi namin maiisip na sya yun, tulad ng...umm...Jose Velarde. So dapat wala kaming kamuwang muwang na si Joseph Estrada pala yun.

At dahil malikot ang isip ko at na excite ako sa thirll ng pag iisip ng pangalan, nag isip akong mabuti. Baliktarin ko kaya yung apelyido ko? Korni! Obvious din. Naisip ko yung mga penname ng grupo nila Jose Rizal. Tinutukoy ko dito si Marcelo H. del Pilar. Ang penname di del Pilar ay Plaridel, na hango sa pinag rambol-rambol na letra ng kanyang apelyido. Kaya ganun din ang ginawa ko. At makalipas ang ilang minutong pag rarambol, nabuo ko ang GIEDONAS. Ok na yan, smooth pakinggan. Kaya yan na rin ang ginamit kong username sa paggawa ko ng mga account sa email.

Pero napansin ito ng tatay ko. Sabi nya, bakit ganyan yung pangalan na ginamit mo? Bakit hindi OGEIDNAS? Samantalang yan ang kabaliktaran ng SANDIEGO? Gaya nga ng sabi ko, unang-una, ayoko nung baliktad dahil obvious. Pangalawa, hindi smooth bigkasin yung OGEIDNAS. Parang matigas sa dulo. Yun ang sinabi ko sa tatay ko. Sabi ko pa, wala na akong maisip na mas smooth pa sa GIEDONAS. Pero napaisip ako pagkatapos nun. Yun na nga ba yung pinaka smooth na pangalang mabubuo ko sa SANDIEGO? Nag isip na naman ako at nag rambol ng mga letra ng apelyido ko. Kung tao siguro yung apelyido ko eh matagal na akong binatukan dahil lagi ko na lang syang rinarambol. Sa kakarambol ko, nabuo ko ang GENASOID. Ayos! Parang mecha-monster ang dating...ZOIDS kasi eh. OK ito...pero parang may familiar...isang exchange letter lang ang ginawa ko at nabuo ko na rin sa wakas ang pinakamamahal kong nickname: GENOSAID (pronounced as GENOCIDE). Asteeeeeeeeg! Parang death! Parang destruction! Asteeeeeeeg talaga! Ang ibig sabihin pala ng GENOCIDE mass killing or mass destruction. Ang lupheeeeeeet! Mass Destruction. Bagay na naman sa akin ang pangalan na ito dahil massive ako...at destructive ang utot ko. At dahil inclined sa death ay babagay ang pangalan na ito sa favorite kong kulay na BLACK.

BLACK??? Bakit black?? Ano bang meron? Well, madali kasing magsuot ng all-black, hindi ganun ka pansinin, unlike kapag nagsuot ka ng...umm...all-fuschia. Kapag nag blot ang black ballpen mo, hindi masyado halat sa black na damit, pati ketchup hindi masyado halata, o kahit toyo, o kahit patis, suka, at spagetti stain. Hindi obvious. At bukod pa sa madungis na mga dahilan na yan, elegant dalhin ang black, at the same time astigin! At dahil lagi akong naka all-black, ay babagay talaga sa akin ang pangalang GENOSAID.

Kung papansinin mo, ang GIEDONAS, GENASOID, at GENOSAID, ay nag uumpisa sa letrang G. Eh ano naman? Napanood ko sa anime na Shadow Skill ang isang episode kung saan tinawag nila yung isang character dun na "G". Ang "G" daw sa Phoenician alphabet means, "The strongest" o kaya "The most powerful", na kung iisipin mo ay marami ngang makapangyarihang bagay sa mundo ang nag uumpisa sa letrang G. Goons, Gold, Guns, Goto, Goiter, Gera, Gahaman, Ganid, at kung ano ano pang makapangyarihang "G". Nariyan din ang Glory, Good, Great, at iba pang mabubuting "G". Ang GAEA, isang tawag sa Earth, at GEO, which pertains to the Earth's crust, ay nag uumpisa din sa "G". At syempre ang pinakamakapangyarihan sa lahat, si GOD, ay nag-uumpisa din sa letrang G.

What's the point? Eto...Kung iisipin mo ulit, G is the 7th letter of the English Alphabet. 7th? Seven na naman?? Coincidence ba? Eto pa. May isa pa akong favorite number, di ba? At yun ay ang number 13. Ano ba ang 13th letter sa English alphabet? M...as in...Megaman! Ang galing, ano? Eto pang mas malufet: Isang laro sa Megaman series ang may title na Megaman Legends, na sya ring gusto kong maging title ng pelikulang pangarap kong gawin na kung saan bida si Megaman. Kung papansinin, ang salitang "Megaman" at "Legends" ay parehong 7 characters long! Wow! At kung titingnan pa, ang 3rd letter ng Megaman at ng Legends ay parehong "G"!! Mas wow!! At alam nyo bang 3rd letter din ng nickname ko sa mapua na PUGZ ang letter "G"?!!! Pinaka-wow!!!

Pero kung inakala nyong tapos na, hindi pa! Dahil kung naalala nyo yung tawag sa akin nung 2nd year high school na GENO, ay mapapansin nyong ang GENO ay parang short for GENOSAID!!! What the heck!!! Parang nagkataon ang lahat!!!

At yan ang istorya ng mga walang katuturang bagay sa buhay ni gEnOsAiD...wag kayong mag-alala. Hindi pa kayo baliw. Coincidence lang din kung bakit nyo pa nabasa ito.